NAKAKAPAGOD DIN PALA.
Pagod na ako. Sobra, kahit na halos labing tatlong oras na akong tulog, pagod pa rin ako. Siguro hindi yung katawan ko yung pagod. Yung isip ko pati na rin yung emosyon ko. Fed up na ako eh! Naks, may natutunan talaga ako sa english idioms! Ewan ko, gusto ko na magpahinga muna ng mahabang panahon. Worry free days! Kung pwede, wala munang eepal na problema, mga bwiset, mga alalahanin at kung anu ano pang evil dyan.
Hindi nga dapat ako magboblog eh, dapat nagawa ako ng report ko ngayon. Ewan ko ba, ang tamad tamad ko. Gusto ko lang matulog at magpahinga. Para kahit papano maibsan naman ung pagod na nararamdaman ko. Pero nainspire naman ako dun sa blog ni Ina na kakabasa ko lang. Kaya eto, blog din muna ako.
Noong nagdaan na Biyernes ay ang itinakdang araw para sa pagdiriwang namin sa Buwan ng Wika. Bawat paaralan naman eh mayroong ganun, pero sabi ko nga, hindi talaga ako interesado sa mga ganun. Una, dahil ang baduy ng costume. Pangalawa, di ko gusto ang magiging presentation namin. Ang mapapagipilian mo lang naman eh, sabayang pagbigkas na ang hirap kabisaduhin, etnikong sayaw na mukhang ewan o magabsent ka na lang. At syempre ayoko rin ng Buwan ng Wika dahil hindi ko enjoy ang pagkaen namin. Hindi kasi ako nakain ng mga Pagkaing Pinoy. Pasensya na kung ipokrita ako.
Pero wala, kailangan ko talaga pumunta. Mayroon rin kasi kaming kanta sa Campus Ministry na pinaghirapan ko rin i-practice. Sayang naman ung muntikan ko ng pagkakapaos.
Maaga akong ginising nun, ala-sais pa lang ng umaga ginising na ako. Pero ako tong si Syota ni Juan Tamad, sabi ko maya na ako gisingin dahil 8 pa naman ang pasok. Kaya ayun, na-late na ako ng gising. Napakahaba pa naman ng ritwal ko sa umaga bago ako makaalis ng bahay. Kaya ayun, pagdatin ko kila Mellizza eh halos tanghaliin na kami. Minake-up pa ako ng nanay niya pero sabi ko wag na masyado dahil ako na lang pagdating namin sa school. *hehe shempre gusto ko kakaibang make up*
Pagkadating namin duon, nakita pa namin sila Dex,Kurt at Alfred sa may tindahan. Ayun pagkapasok namin sa loob ng school, nagulat kami sa dami ng mga magulang na tila bagang stage mother sa mga anak nilang elementary. Nagulat nga ako paglingon ko eh andoon na pala si Reinier kasi pinanunuod yung kapatid niya. naks.
Pagkaakyat ko sa taas, inayusan ako ni Michaela. Nakakatuwa nga kasi nagustuhan ko yung itsura ko nun eh. Hehe. Thanks Mik! <3>
Ibang topic naman...
Sawa na ako. Sawa na akong maging BULAG. Alam mo yun? Nakikita ko, naririnig ko, nararamdaman ko, naamoy ko?? basta, ALAM KO na dapat ng itigil. Nakakasawa na kasi. Ewan ko, pakiramdam ko kasi wala naman ding kahahantungan. Imbis na kasiyahan, masisira lang din. Wag na lang!
Kung sila ngayon nag-aaway na, dadagdagan ko pa ba? Dapat ko ng itama to. Marami pa naman akong ibang pwedeng pagtuunan ng pansin. Sabi nga ni John Lloyd sa TV, HINDI SA YO UMIIKOT ANG MUNDO! Oo nga naman, in your face! >:)
Sakto pa naman sa binabasa kong manga chapter, ang title, THE ANTAGONIST. Itutuloy ko pa ba? Maging kotrabida sa buhay nila.. Ako tong kaibigan nila sabay ako tong naglilihim. Tama na, mali na eh. Kailangan ko na buksan yung mata ko, unti unti. *smiles*
Kung nakakasawa man
ang sa puso ko'y nilalaman
Mayroon pang isip
na sa kinabukasa'y sisilip
ANO DAW?! basta yun na yun! Kaya ko to. Kung nakasurvive nga ako sa Geom kahit na sugatan ako dun, kaya ko to noh. *grins*
Labels: nakakasawa na ang alugbati