Ang problema ay pagsubok lamang. Nasa iyo na kung susuko ka. Para kang naglalakad sa gitna ng disyerto. Habang naglalakad ka, may makakasalamuha kang mga Camel na nakaharang. Makakaranas ka rin ng matinding uhaw at pagod. Nasa sa iyo na kung magpapaiwan ka sa daan o kakayanin mo pang makarating sa paraisong nasa dulo noon.
Pero kailan pa ba ang tamang panahon para makapunta sa paraisong yun? Kasi kung ako, pakiramdam ko limampung camel na ang nakaharang at disyerto na rin ang lalamunan ko sa sobrang uhaw. Hindi ko talaga maintindihan. Alam kong malawak naman ang pag-iisip ko at optimistic ako pero mukhang di uubra to...
Marahil sinusubukan ako ng Diyos ngayon. Oo, grabe.. Pero Lord naman, bakit sunud-sunod? Alam niyo ba kung gaano kahirap 'to?
Ang nanay ko ay nagbabalak na magresign sa kanyang trabaho dahil sa kanyang amo. Masyadong gahaman at hindi binibigay ang tamang suweldo. Naaawa na nga ako sa nanay ko eh. Ang laki laki na ng hirap niya doon tapos ganito pa? Kapag nawalan siya ng trabaho, saan pa kami kukuha ng pera? Sa tita ko? Eh guro lamang siya sa publikong paaralan.. Hindi ganun ka-laki ang suweldo :|
Kaninang madaling araw, habang mahimbing na mahimbing na ang tulog ko, ginsing ako ng lola ko. Sabi niya lumipat daw muna ako sa kwarto nila ng lolo ko kasi mag-isa na lamang ako sa kwarto namin. Napansin ko nga na ako na lang mag-isa. Tinanong ko kung saan nagpunta yung dalawa kong tita. Ang sagot niya nagpunta raw ng ospital, sinamahan ang lolo ko.
Nagulat naman ako kasi bakit maoospital yun? Mas malakas pa yun sa kalabaw eh. Suka raw ng suka at masakit ang tyan. Hanggang sa mga oras na ito, naka-confine pa rin siya. Pagdasal niyo naman.
Bukod sa problemang pampamilya, eto pa rumarampa ang mga problema ko.. Hindi ko na alam kung anong gagawin eh. Inis na inis na ako..
Sa susunod na lamang siguro ako maguupdate ng maganda.. Masyado akong down. kelangan ko muna ibuild up ang sarili ko..
Basta smile :)
Labels: ano daw ba hoho