Ina Riana Nikita Alberto De Guzman
Aba humahataw sa pangalan. Halos madaig na si Rizal eh. Basahin niyo nga yan ng isang hinga lang, alam ko hihingalin kayo, baka nga ma-asthma pa yung may sakit.
Kahit nakaka-asthma yang pangalan ng taong (tao nga ba?) yan, hindi ako si Kyle Dominique Lim Navarro ngayon kung walang Ina Riana Nikita Alberto De Guzman. Kumbaga, sa isang katawan, nakulangan ako ng mga mata. Naks, mata talaga ha, siguro nga kaya lumiit yung mata niya kasi napunta na sa akin kaya naman lumaki ang mata ko.
Ano ba ang pagkakakilala ng ibang tao kay Ina?
- Matalino
- Tahimik
- Aral ng aral
- Bookworm
- Masipag
- Mabait
- Di marunong gumawa ng kalokohan
- Anghel
- Sa langit ang bagsak
Una kong nasilayan ang cute na mukha ni Ina nung nasa ika-limang baitang ako sa elementarya. Naalala ko pa nun sinamahan siya ng daddy niya paakyat doon sa room namin. Mahaba ang buhok niya, medyo kayumanggi ang kulay, nakangiti, white and green yung bag at may pagkapamilyar ang mukha. Mailap ako sa new students noon at ngayon. Para sa akin kasi, mayroon pang ibang estudyante na mas plastik, este mabait kaysa sa akin na maaring makibagay sa kanila. Kaya na nila yun. Ngunit iba ang naging takbo ng aking pananaw kay Ina. Naupo siya malapit sa akin. Ako, Ina at Clint.Masaya kami parating tatlo dahil lagi lang kami nagtatawanan at nagkukulitan. Kakuntsaba ko pa sa Clint kung kailan kami aatake sa pangingiliti kay Ina.
Naalala ko pa nuong mga panahong iyon. Nakapag-open sa akin si Ina ng isang sikreto kaugnay kay Clint. *ngiting aso*
Nagdaan ang ilang taong pagkakaibigan namin ni Ina, ilang bagyo rin ang nanalasa ngunit nananatiling nakatayo ang pundasyon namin. Ilang beses sinubok ang pagtitiwala, at sa kabutihang palad malaki pa din ang tiwala namin sa isa't isa.
Unti-unting nabawasan ang mga iba pa naming kaibigan sa eskwelahan. Nagsilipatan na sila ng mga paaralan at ang iba nama'y wala na kaming komunikasyon pa. Nakakatuwa isipin na, sa kabila ng pagkaunti namin, eto kami ni Ina magka-holding hands pa din habang nakatingin sa may bintana.
Madami kaming ala-ala sa isa't isa. Siguro halos kalahati ng kasayahan ko sa buhay, sa kanya ko na naibahagi eh. Siya talaga ang parang... Kabigkis ng buhay ko. Sabi nga nila, napakahirap maghanap ng isang totoong kaibigan kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Diyos at kay Ina na rin.
Nakita ko na siyang madapa at matapilok sa hagdan. Nakita ko na siyang madulas at matisod sa silid-aralan. Nakita ko na ang iba't ibang hairstyle niya. Nakita ko na siyang umiyak sa mabibigat at mababaw na problema niya. Nakita ko na siyang magalit at maasar, manipa at manuntok, maloka at sumigaw, at magmahal.
Nakakatuwa talaga isipin na may isang taong magtitiwala sa akin ng ganito. Alam mo 'yun? Kulang nalang ishare na niya sa akin kung ilang piraso ng buhok sa ilong mayroon siya. Halos lahat ng mga bagay at pangyayari sa buhay niya, alam ko. Kaya ko na nga gumawa ng biography niya eh.
Ganun din naman siya sa akin. Halos lahat ng mga bagay tungkol sa akin alam niya. Pati kulay ng bra ko minsan, alam din niya (at alam ng buong klase). Mga bagay na alam ko, ibinabahagi ko at ganun din siya.
Mga simpleng kwento at pangyayari sa buhay namin, hindi yan palalampasin, kwento agad yan! Message sa Facebook, PM sa YM, text sa cellphone o minsan tawag pa.
Hindi ko talaga mapicture out ang buhay ko kapag walang INA.
Ngayong ikatlong baitang na namin sa sekondarya, nakaranas at nakakaranas kami ng mga may-kabigatang suliranin. Kung sa bagay, sa bawat maikling kwento hindi kumpleto ang akda ng walang suliranin.
Marami kaming magkakaibigan. Pwede na nga kaming tawagin na barkada eh, halo-halo. May babae, may lalaki, may feeling babae at may feeling lalaki. May papansin, may sadyang kapansin-pansin at may walang pakialam. Ganyan ang buhay namin dati.
Dumating ang isang papel na nagsasaad na kailangan na muna naming maghiwalay ng seksyon. Hindi muna kami pare-pareho ng papasukang silid-aralan at hindi kami pareho ng mga makakasalamuha. Nalungkot, naiyak, nasaktan at nafrustrate kami sa naging payahag ng papel na iyon. Ngunit Life must go on, ang mahalaga hindi masira ang pagkakaibigan naming lahat.
Naiwan kaming dalawa muli ni Ina. Eto kami, magkahawak muli ng kamay at sabay nangangarap. Ako ang prinsesa at siya ang Warrior ko. Tagapagtanggol ko siya sa mga kalaban kong mortal (math problems) at ako ang magsasalita at magdadrive away ng bad spirits (monster jomar,big fat meanie brian at minsan pati si warlock ren) para sa kanya.
Araw-araw gusto kong magpasalamat sa kanya. Kahit na minsan tawa lang kami ng tawa sa sarili naming jokes at kaisipan, okay lang. Magkahawak kami ng kamay parati, kulang nalang maging syota ko na siya eh. Laging nakatingin sa may bintana, kumakanta. Siya ang tagasuporta ko at ako naman ang taga-payo niya.
Sabay kaming nangangarap ng mga gusto namin mangyari, syempre hanggang sa dulo, magkaibigan pa din kami. Best Friends.
Para sa akin, walang hindi ko kayang gawin para sa isang kaibigang katulad niya kasi alam kong ganun din siya sa akin. More than a Friend, more than a sister, more than a lover, more than a mother same as a mirror of myself.
Siya ang salamin ko. Salamin ko sa pagkakamali ko at pati na rin sa mga tama ko. Minsan, kapag nakkagawa ako ng mali, maisip ko lang si Ina, pakiramdam ko maling-mali yung ginawa ko. Napipigilan ko yung sarili kong gumawa ng mali dahil sa kanya. Proud din ako sa sarili ko dahil sa acceptance at puri niya. All in one talaga siya. Kumabaga sa yaya, All around siya.
Kung anuman ang kahihinatnan ng aming matibay na pagkakaibigan, alam ko malalampasan namin iyon. Kaya nga kami magkasama parati, para ipaalam sa isa't isa na andito lang kami. Total opposites nga kami sa personalidad eh. Madaldal, outspoken, sinasabi lahat ng gustong sabihin, outgoing, at kung anu ano pa ako samantalang siya, bibihira ko lang siya marinig na magsalita para itayo ang sarili niyang bandera.
Pero kahit ganon, alam ko sa huli kakayanin niyang itayo iyon with matching pose pa. Sa ngayon, na medyo nakakaya pa lang niya, tutulungan ko muna siya magdig ng hole para itayo yun. Para sa susunod, kaya na niya. Alam kong kaya niya. Kaya niyang ipaglaban ang sarili niya. Kaya niyang hindi sisihin ang sarili niya sa ibang bagay. Kaya niyang magsalita kapag alam niyang tama at kakayanin namin iyon. *Smile*
Ano nga ba ang pagkakakilala ko sa kanya?
Siya si B2. Kung anong pumasok at pumapasok sa isip niya, naiisip ko din. Magkabigkis nga kami eh.
Siya yung laging nakangiti kahit na nakakainis na. Yung nakakunot yung noo kapag sinabi kong INA LOVE KARL. Yung naiinis at natataranta sabay sabi ng "ai siomai!" kapag may nakalimutan. Yung problemadong problemado sa problema ng ibang tao. Yung naiiyak sa mga simpleng bagay. Yung nanghihingi parati ng yakap, kahit may white horse na siya. Yung laging nagpapasaya sa araw ko. Yung nagtuturo sa akin. Yung chaperon ko. Yung lagi kong kasama kahit saan mapunta. Yung number 1 fan ko. Yung diary ko. Yung follower ng posts ko sa blog at mala-fanfics. Yung parang nanay at kapatid ko. Yung nakakaalam ng lahat ng sikreto ko. Yung nang-aasar parati sa akin kay Bhoy kahit hindi naman. At higit sa lahat, siya yung masasabi kong tunay na kaibigan ko.
People come and go, but true friends don't. Marami ng dumaan at umalis sa buhay ko, ngunit kahit na magCR lang si Ina, sabay pa rin kami.
Hindi ka nga prinsesa, hindi mo kamukha si Cinderella. Hindi mo kasing buhok si Belle. Hindi mo kasing puti si Snow White. Hindi mo kasing takaw matulog si Sleeping Beauty at mas lalong di mo kalevel si Rumplestilskin. Pero ang alam ko, ikaw ang the best na warrior sa lahat.
Pahingi ng First kiss.
Maraming salamat sa mga ala-ala, mga turo mo, mga ibinahagi mong kwento, mga asaran, mga tawa, mga ngiti, luha at pait ng buhay. Salamat sa pagsama sa akin sa CR, sa pagsuporta at sa kung anu-ano pa.. Salamat. Sana tandaan mo na ako, best friend mo, hindi ka iiwan kahit na makulong ka pa sa dungeon. Kahit na patayin ko pa first love ko para sa'yo (wag naman). I love you Ina. <3
Labels: dedication, friendship, ina, true friend, yehey