ALAM MO BA KUNG ANONG PAKIRAMDAM NG ISANG TAE?Ang taeng laging kinukutya at lagi na lamang pinagtatawanan. Iniiwasan, nilalayuan at pinandidirihan. Ngunit hindi ba galing din naman sa atin iyon? Para mo na ring pinandirihan ang sarili mo.
Alam mo ba ang pakiramdam ng isang taong pinaasa lang?
Maraming klase ng taong pinapaasa. Una na dito yung, pinaasang makakasama. Kunwari, sinabi ko kay Mader na sasama ako sa fieldtrip sabay hindi pala ako papayagan. Kunwari, sasabihin ng mga magulang mo na uy may reward kapag nakaperfect ka, sabay wala.
Meron din yung pinaasa sa pag-ibig. Naks pag-ibig. Kunwari, ano si girl di makasagot ke boy, tapos si boy aakalain nagpapakipot lang si girl pero yun pala di naman siya gusto.
Eto kadalasan sa mga malalanding jokla, yung iba ano... Kunwari si girl nagpapacute parati kay boy, lagi niya pinapansin, inaasar at kung anu-ano pa na parang magbibigay hint kay boy na may gusto siya dito. Kaya si boy naman, na may gusto pala ke girl eh ayun aasang gusto pala siya nito pero hindi. Ouch =X
Ang weird ko ngayon, pakiramdam ko gusto ko nalang matulog forever. Sana sa panaginip na lang ako nananahan para kahit mga imposibleng mangyari, nararanasan ko.
Bakit ganun, ang higpit ng buhay. Pagkatapos mo makaranas ng sarap at tuwa, darating na si ginoong pighati at binibining luha.
Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiiiyak. Ewan ko ba, ang abnormal ko. Ang lungkot ko, pero ayaw lumabas sa mata ko. Pakiramdam ko tuloy pilit yung drama ko.
May kahulugan pala talaga ang bawat panaginip. Yung iba nagbibigay na talaga ng warnings and messages na magready ka na kasi your inbox is full and memory low na.
Bakit di ko ba naisip yun? Nakakainis. Sana man lang kahit konti nakapaghanda ako di ba, para di ganun kalakas ang impact. Daig pa ng sampung milyong taong nagkokotongan ang sakit eh. Words are better weapons than swords.
Di mo naman kailangan pang magdepensa kapag nasabi mo na. Why is the world full of lies? Pakiramdam ko tuloy ngayon, di ko na alam kung sino pa ang dapat pagkatiwalaan at kung sinong hunyango dyan. Yung iba, nagkukunwari lamang para mapansin. Sana naman, kung gustong mapansin, wag na kayo gumamit ng ibang tao.
Pare-pareho tayong may dalawang mata, isang pangong ilong, isang labi, dalawang tenga at dalawang makitid na butas sa may ilong. Ano bang kaya ng iba, na hindi mo kaya? Siguro kulang ka lang sa determinasyon na gawin yun. Kahit yung pagbabaliktad ng dila, kaya ng lahat yun di lang nila makuha ang tamang paggawa. Tama ba?
Ang sakit, ng internal organs ko. Ng ulo ko, ng utak ko, ng liver ko, ng kidney ko, ng mata ko, ng puso ko at ng aorta ko. Pakiramdam ko tae ako. Bakit di mo pa ako flinush? IFLUSH MO NA KO.