The priest pronounced me and Kyle husband and Wife.
-- Reinier
Hanep. Eto ang napakamahiwagang sentence ni ren kahapon nang magbigay siya ng halimbawa. Hayop. Hindi nga lang yan eh, balak pa niya sana isama ang "Kyle became a mommy".
Ilang araw na ang nakalilipas matapos ang issue tungkol sa pagbubuntis ko. Ngunit mainit pa rin sa ibang bunganga ng mga tao ang usaping ito. Hindi ko alam kung excited ba silang manganak ako para sa itsura ng bata, para sa party o para sa wala lang, o baka naman inggit sila dahil wala silang baby. Walang baby? Hindi ba't andyan naman si Gelo?
Naalala ko tuloy noong isang araw, nakaupo si Gelo sa gitna naming dalawa ni Reinier, biglang humirit si Allan. "Alam niyo kung bakit si Gelo nakaupo sa gitna? Siya kasi yung baby." Hayop, mas malaki pa yung baby sa nanay at tatay. Third year hs agad.
HAHAHA. Yan ang reaksyon ko sa mga pang-iintriga nila sa amin. Nakuha ko yan sa mga artistang pacute sa TV. Sabi nila, tawanan na lang daw ang mga issue, mapatotoo man o hindi. Sila na ang humusga, tutal doon naman sila magaling.
Nabalitaan kong nabiktima rin si Gilly ng pambabaeng crush ni ren, kaya ininterrogate ako ni Jomar. Napakakulit niya. Hindi ko na matiis na hindi matawa dahil sa itsura niya eh. Tinatanong niya kasi sa akin kung okay lang na mahalin ni ren si gilly. Syempre ang sagot ko hindi, jusko po. Grade 4 lang po yun. Pero dahil sa ayoko namang makialam, sige Oo ang sinagot ko. Dahil sa ayaw maniwala ni Jomar pinilit at pinilit pilit niya ako. Gusto lang talaga niyang sabihing Hindi. Kaya sige, hindi. Hindi naman talaga. Ayoko. duh?
Naalala ko kahapon ata yon, paboritong panggulo ni itlog 1 yung pag-aalog ng dingding na kahoy sa likod para mabwisit yung kabilang seksyon. Nainis si Clint.....
(COMMERCIAL! GRABE NAKAKAINIS HALOS TUMALSIK PUSO KO MAY NAKITA AKONG FLYING IPIS, AS IN HINABOL PA AKO HANGGANG KWARTO. GRABE. I'M GONNA DIE I'M GONNA DIE I'M GONNA DIE.)
Nainis si Clint, kaya itinanong niya kung sino yung nag-aalog. Kaya nagslip sa mouth ko na si itlog 1 nga yun. Nainis naman sa akin si Itlog 1. Pero teka, mali ba yung ginawa ko? Sabi nga nila, battered husband daw siya. Sabay divorce na ang sunod. Wag naman. Pano na si Junior? :(
Hindi ko alam kung sadyang nang-aasar tong mga kaklase ko o wala lang talaga, tinatanong nila ako kung sinu pipiliin ganyan ganyan... As in ilang beses natanong sa akin yun nung araw na yon.
- "Sinong pipiliin mo, Ren o Brian?"
- *mabilis na sagot* "Reinier."
- "Jomar o Reinier?"
- "Reinier?.."
Habang TLE
- "Sinong ililigtas mo, si Reinier o si Allan?"
- "Hahaha! Iisa lang naman yun, Reinier Allan!"
- "Hehe, hindi yun, Reinier Allan o Allan Joseph."
- "HAHAHA."
- "P@&%$%! Sino nga eh? Reinier Allan o Allan Joseph."
- "Hehehe."
- "......"
- "Kaya na ni Allan mag-isa, kaya si Reinier na."
Masaya na kayo? Hindi ko talaga alam kung paano nagkaroon ng bagong panganak na loveteam. Loveteam nga ba? Ang baho pakinggan. Tipong sasabihin ko lang kay Gelo na, "Ui palit tayo." Sasabihin niyang "Ah, gusto mo makatabi asawa mo?" Kapag katabi niya si itlog 1. Hayop. Kung anuman yun, aba. Wala akong kinalaman. Wala akong ginawa para maging ganon.
- "Badtrip! Badtrip kayong lahat!"
- *stare*
- "Except ikaw."
Hayop, tama na. Nakakatuwa talaga ang mga nagdaang quizzes. Okay ang mga score ko. *thumbs up* Hindi ako nagyayabang, nagsheshare lang, proud eh. Hindi ko na naman inaasahan yung sa geometry, hindi ako nakapagreview doon ng mabuti eh. Sa eskwela lang talaga ako nakapagreview. Hayop! Labyu Sir ruben!
Noong isang araw, nasira yung itim naming motor. At sa kasamaang palad, yung maliit na color silver and blue na papangalanan nating si Tony at ang itim na si Fox (hayop fox!). Si Tony ang gagamitin naming pamasok. Jusko po! Ayoko talaga sumakay doon dahil sa maliit yun, sumasayad yung motor namin kapag may humps, at masakit sa pwet. Bugbog pwet ko doon.
Kinagabihan, pinagdasal ko na sana umulan para di manakit ang pwet ko dahil magtatricycle ako. Pero hindi ako pinagbigyan ng Diyos. Wala akong nagawa kundi sumakay nalang at manakit ang pwet. Ngunit, nung mga bandang asa may camella na kami, nagkamali yung PUNK kong lolo. Paano ba naman kasi, iginilid pa niya, eh maliit lang yun, malamang makakadkad yung gilid. Kaya ayon, nakadkad nga. Idagdag mo pa yung flat na gulong dahil nakasagasa ng mga kung anu-ano. Kaya kinalaunan habang asa daan kami ay bigla nlang tumagilid ang motor. Napansin ko na yung gitna ng gulong na color silver eh, halos tumalon na palabas. Hayop.
Wala na akong choice kundi maglakad. Isang prinsesang naglalakad, weird. Hindi talaga ako sanay maglakad. Home girl ako eh. Hindi ako sanay na naglalakad ako, ang dami-daming nakatingin sa akin. Ano ba? May dumi ba ako? Maganda ba ako masyado? Yung bag ko ba masyado makulay? May kulangot ba ako? Ano?
Trashtalker. Yan ang taguri sa akin ni Gelo. Hayop ka Gelo. Palagi ko daw siyang binabara at kung minsan eh, konting pagkakamali niya ay tinatawanan ko na. Kaya ayon.
Isang araw, noong applied chem namin. May nasabi ata si Gelo noon na nakakatawa, kaya inulit ulit ni Ina. Sinabihan ni Gelong trashtalker si Ina. Okay lang kay Ina ngunit dahil sa convincing na acting ni Baby gelo, at dinagdagan pa ng ka-epalan ko. Naiyak na si Ina kasi naguilty ata. wow ha, lagot kayo ke Capricorn nyan.
Natatawa talaga ako kapag ano, kinukumpara si Jancarlo saka Reinier, magkamukha naman kasi talaga. Magkaugali in some ways, saka medyo magkaboses pa. Reinier the second ba. Reinier Jr? Wth wth wth. Oo, naisip na ni Brian yun, wag kayong mag-alala.
Pero kung titignan at susuriing mabuti ang bawat kilos, ugali at personalidad, syempre Reinier pa din. Hayop! Bente dyan Reinier ha! Puri to!
Eto, alam kong alam niyo na ito, naiinis ako kay Bebeng. Nayayabangan ako sa kanya. Pakiramdam ko kaya medyo tagilid umasta ang boys minsan eh dahil na rin sa kanya. Oo minsan nakikiano ako sa mga lalaki. Pilit kong binabago yung pananalita nila kahit ba sa maliit na paraan. Tulad ni Gelo, kinukurot ko kapag nagmumura. Ngunit di pa rin niya mapigilan. Well, sana soon magawa ko.
Para sa kanila rin naman yun eh, concerned lang ako. Paki ba nila sa concern ko nga no? Haha. Pero hindi, di ako nagbibiro. Iba kasi impluwensya ni bebeng. Malakas. Pakiramdam ng ibang lalaki, lalo na si Ren eh, COOL at HANDSOME ang pagiging katulad ni bebeng.
Pag-inom ng alak, paninigarilyo, frat, at kung ano-ano pa. Ano bang maganda doon? Naalala ko kinukwento ni ren yung mga firsts niya. First ino , first try ng cigarette. naano ako. Hindi ako concerned bilang wife ha! sipain ko kayo, ano kasi. Syempre bilang tao at bilang kaibigan na din. Isipin mo yun?
Well, paalala ko na lang po sa mga tao at kabataan ngayon, HINDI COOL AT HINDI KAYO GAGWAPO KAPAG NANINIGARILYO KAYO, NAINOM NG ISANG CASE NG BEER, HINDI VIRGIN, PALAMURA, MAY FRAT, NAKIKIRIOT AT KUNG ANU ANO PA.
Pwede naman kayo maging gwapo sa mata ng mga babae just simply doing tasks na dapat di ba? :|
Love Horoscope pakihulaan kung anong sign hehehe
Single? Some say there is no such thing as coincidences, and if it seems like you are experiencing more than your share of coincidences, then you need to realize that this is the universe trying to send you a message loud and clear.
Hayop! ano yan! There is no such thing as coincidences. Messages daw yun that wants to let you realize something. :X
Oo tayo talaga ang destiny. =X
Just like fairy tales,
I wish it can turn out okay when all fails.
Be on your side in the end,
and all of time with you I'll spend.
Let me open my eyes and heart,
please never rip me apart.
With you I let you hold my hand,
Take me together in wonderland.
I wish this never ends,
But I think we're only friends.
It hurts that it can't be more,
But that's not worth dying for.
Even though it's like this,
I'll take it now with ease.
Cuz I know that forevermore I'll be with you,
forever babe, my love is true.
naks! sa kakatype ko nakagawa agad ng tula.
Soft and white cheeks, so fluffy to kiss.