Sa dinami dami ng nangyari wala na naman akong matandaan.
HAHAHAHA. Eto na naman ako kumikereng keng, sabi kasi ni Ina magblog na ako, pero tamad talaga ako eh. alam niyo bang inabot pa ng araw matapos lang tong post na to? shempre di niyo yun alam, pero ngayon alam niyo na.
Buwan ng Wika na naman, sht days again. Ayoko talaga ng buwan ng wika, bukod kasi sa magsusuot kami ng mga corning outfits galing sa baul, gagawa pa kami ng mga corning sanaysay, tula, awit, talumpati at kung anu ano pa na kay hirap naman! Di ako kagalingan sa Filipino. Ewan ko ba! Ako na nga tong pinoy eh! Pakiramdam ko kasi kapag gumagawa ako ng mga sanaysay na yan, ang plastik plastik ko. Paano kasi, "PAHALAGAHAN ANG TAGALOG" "MAHALIN ANG WIKA" "IPAGMALAKI ANG PAGIGING PILIPINO" mga ganung tipo! Eh mismong yung nagsusulat hindi rin naman ginagawa yun. Kaya para sa akin, di ko kailangan gumawa ng kasinungalingan sa sarili kong akda kasi sa akin naman yun. Kaya sa huli, 77 ang score ko.
EGG-XAMS na naman, eto na naman yung mga araw na akala ni tatay at nanay ay nag-aaral si anak. Yun pala eh, nakakulong sa kwarto naggo-god of war. Pagtingin sa card, ayon naitlugan ni Kratos.
Noong mga panahon ng exams, determinado talaga ako mag-aral. Sabi ko sa sarili ko, kailangan ko mag-aral! Di ako magpapakopya! Di ako mangongopya! DI NA MUNA AKO MAGKOKODIGO! *MUNA ha*
Ewan konga kung saan napunta yung determinasyon na yun eh. It all turned out na imbis na magreview ako, andoon ako sa kama tulog, nag-iisip, kumakanta, nagsosoundtrip o kung hindi man nakatelebabad ako. Sabi ko rin di ako magpapakopya, ngunit wala atang pinalampas na pagkakataon! At oo, sorry na di talaga kaya. XD
Ngunit, dahil mabait si Bro... Samahan mo lang ng aral at prayerful discernment Ayon! nakapasa naman ako. Ang saya ko nga dahil matataas naaman ang mga marka ko, kung sa bagay okay na rin yun kumpara sa egg di ba?
Dahil nga lagi akong kasunod ni Ina sa scores, nabansagan tuloy akong BUNTOT NI INA. Paano ba naman kase, sa Lit, Grammar, AP, Chem, at di ko lang sigurado kung pati sa Geom at MAPEH ay magkasunod ang score namin kung hindi man at pantay kami ng marka. Oh di ba?
As usual, may pustahan na naman kami ni Reinier kung sino ang mas mataas sa ENGLISH. Mapa-Literature o Grammar, basta english! Kung hindi ako nagkakamali, nagsimula ito nung first year, pareho kasi kami may special award dahil sa excellent grades sa english. As in English lang talaga. Kaya nga tuwang tuwa kami nun eh, kaya ngayon lagi kami magka-rival sa english. oha. Pero, OH SORRY.
Oh sorry talaga, talo ka. Alala ko pa talaga nun, nung umaga ng araw ng exam sa English, sabi ko HINDI AKO MAGPAPATALO. Tawa pa nga si Ina kasi bakit TALO daw yung word na gamit ko... Hindi ako masyado nakapag-aral sa grammar dahil hindi ko naman alam kung anung aaralin ko doon dahil aabsorb mo lang naman talaga yun. Sa literature nag-aral ako. As in binasa ko lahat ng page na sakop ng 1st qtr sa libro.
Ang daya nga eh, dapat disqualified na siya, kasi una pa lang tumitingin na siya sa papel ko. BAAAD. :] Tinuruan ko pa siya ng sagot, bakit kaya ang bait ko?
Lumabas na rin yung results, ayun. Ina--Kyle. Ang duga nakakainis talaga! Isang puntos na lang yung sa lit hindi pa binigay ni Ms. Ang masaklap pa, sa parang essay pa ako nakulangan! Naman oh!
Sa chem naman, hindi naman talaga ako nandaya sa chem. Except lang doon sa MALAWAKANG ALAM MO NA sa test I. Ewan ko! basta.. Pero di ko naman ginawa yung ginawa ng iba. Alam ko talaga yun. *ayaw niyo maniwala no?* Nag-aral ako sa Chemistry. Binasa ko lahat. Paulit-ulit. Hindi ko na nga natapos eh. Sa sobrang basa ko nga sa Chem di na ako nakapag-aral sa MAPEH.
Himala na nga lang na nakapasa pa ako doon!
Eto pa, Lumabas na yung result sa Chem. Grabe din! Di ako makapaniwala. Akalain mo yun? Ang laging dakdak ng dakdak at di nakikinig kapag Chemistry ay naka 92/100?! Putek yan. Masaya na ako.. Masaya na talaga ako. Not until THE MONSTER came. He then came bragging his damn score in my face. Almost like saying that I'm stupid and he's not. Well hello, monster fckr, ULOL KA BA?! I hate people like you. That's all.
Nakakainis naman kasi yung exam sa mapeh, yung mga tanong kasi! kunware ang tanong, "THEY USED WHISTLES, ...." Biglang ang sagot "wind instruments"?! NANLOLOKO BA SIYA O ANO?! Akala ko ba major in mapeh, sabay... THEY tapos WIND INSTRUMENTS?! Hay nako. Correct your grammar please.
Wag niyo na ako tanungin sa Geometry,please. SObra! Sobra talagang dudugo yung ilong mo. Ewan ko ba! Pati ata utak ko nasqueeze na eh. Naubos yung juice! Pero masaya na rin ako na nakapasa ako. Iniyakan ko pa man din yun. Akala ko kasi talaga babagsak ako eh. Sabi pa ni MONSTER, "OH ANU SCORE MO? ANU SCORE MO?!" Oh ano ka ngayon. *winks*
Isang araw, habang matiwasay kaming papauwi, hinihintay ko si Ina na sumabay sa akin pababa. Ngunit nalilibang pa siya manghingi ng chords sa gitara. Dahil sa katagalan, nakinig nalang ako sa usapan nila Ren at Gelo. Nakatingin kasi ako ke Ren, bigla ba namang sinabing, maghintay lang daw ako saglit dahil kakausapin lang nya si Gelo at hindi lang yun with matching BABES pa. Ganon? Napangiti na lang ako. Paglingon ko naman sa likod, andoon si Dexter *vroom vroom*. Hinila niya ako at sabi niya na kanya lang daw ako. Syota ko daw siya. Sabay nahila na niya ako palabas ng room, si Brian umepal naman sabi niya kanya raw ako. Edi lumabas din si Ren, nakihila din, edi ang dami humihila sa galamay ko di kona alam kung saan ako pupunta. Naging ganito ang usapan.
R: Akin siya!
D: Hindi, akin na siya eh! Syota ko kaya siya!
B: Kami na kaya!
R: Asawa ko na kaya to, di ba babes?
D: Mas mahal ko naman siya
R: Legal naman kami.
B: .....
D: Wala, wala..
R: May anak na nga kami eh!
D: Oh, kami ano...
R: Mag-aanak nga kami ulet eh.
D: Samin sang dosena na!
R: Weh, hindi yan no! Wala ka, may nangyari na sa min eh!
D: hahahaha.
B: *nakapag-isip na* Ano ka! Sex slave ako niyan eh!
R: HAHAHAHA! oo nga! Sex slave niya tayo!
D: hahaha bahala na nga kayo!
R & B: Pakawalan mo na kami kyle, pagod na kami....
Kelan pa ba ako nagkaron ng Asawa? ng syota? at ng SEX SLAVE?!
Practice na naman sa Sabayang pagbigshit. Ewan ko ba, naiinis talaga ako eh. Bawat pagkakamaling isa, from the start na naman. Ano ba yan?! Bwiset eh. Buti sana kung nagsasalita kayo, eh di niyo naman kabisado :|
Alala ko tuloy nagkamali si Patrice. Ang layo na namin sabay nagkamali pa. Ulit tuloy. Kaya ayun, sa pag-ulit namin hindi na siya nagsalita puro action nalang. Nakakatawa siya.
May patimpalak ang LIPI bilang pagdiriwang ng buwan ng wika. Kasama roon yung Kathawit at Talumpati. Nakakatuwa yung kathawit namin, ang ganda ng lyrics. Nakakatuwa. Ang galing nila gumawa. Siguro kinulang lang talaga ng Power at Liveliness. Di bale may next time pa naman! Wag niyo na sisihin yung isang tao dyan. Pabayaan niyo na. *winks* puro ako kindat ah.
Nakakatuwa rin yung talumpati kahit hindi ko napanuod. Badtrip nga lang tong si Gelo kasi hindi siya tumuloy. Hay nako. Pero Reinier did a very good job *grins* Kahit na ginawa niyang comedy declamation yun ang cute pa rin. Siya lang naman ang may kayang gumawa noon eh. Ikaw nga?
May mga natuwa, natawa, naiyak, nalungkot, nagdabog at natawa ng natawa. At ako yun. Eto na naman kasing mga hindi mawaglit na banat! Dahil sa nakabarong siya, siyempre sinasabi ng iba na para siyang patay. Kunware iniiyakan pa siya nila Diane. Pero hindi raw siya patay, ikakasal raw siya. Nagulat pa nga ako eh. "Ui Kyle, bat di ka pa nakabihis? Late na tayo. Naghihintay na yung pari."
Sa araw ring yun, NAKAKAINIS talga si Gelo. Bakit okay lang sa kanya yun?! Bakit wala siyang paki?! Bakit wala lang yun?! Ano ba!!!!!!!!!!
Samantalang ako, nalungkot ako, nadepress ako, nainis ako, nagalit ako, naiyak ako, lahat! Kasi iniisip ko siya, si M at basta! Mraming tao. Ngunit mukha ngang tama na rin yun. OKAY nalang. Wala na rin magagawa eh. Walang may kasalanan.
Pro natouch rin naman ako dun sa line ni taong labas. "Hindi ko na gagawin kasi naisip kita eh" Something like that :] Basta, sana ok nalang lahat.
Pero hindi ko rin talaga alam. Hindi kasi ako nakakabasa ng utak ng lalaki eh. Hindi ko alam kung anung tumatakbo sa isip nila. Hindi ko alam kung anong gustong iparating ni Jomar sa mga kabastusan niya. Hindi ko alam kung epal lang talga si Brian. Hindi ko alam kung nagsasabi ng totoo si Gelo na OK lang sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ba kailangan pang magpakasenti si Reinier kanina. Hindi ko alam kung bakit ang ganda ng boses ni sir ruben! Hindi ko alam kung bakit AYAW NI SIR ANTHONY NG ALUGBATI!
Nagpractice kami sa bahay ni Airah para sa sayw sa mapeh. Ngunit ang practice nauwi sa kwnetuhan at galaan. Ang saya. Naalala ko pa talaga si Diane nun, muntik maout of balance kila kenneth at mariel. As in nakakatawa talga itsura niya. *NYAHAHAHAHA*
Meron pa, yung banat ni Kenneth na, "Nagpapunta ka dito sabay walang pagkaen" -- mga quote nga naman ng gutom.
Noong mga panahon na tinatamad na kami, nagsuggest ako kay Ina na lakad lakad kami. Di rin namin alam kung saan kami pupunta, nauwi rin kami sa pagdaan kila Alissa. Nahihiya pa kami tumawag nung una eh. Nauwi na rin sa sigaw. Sabay wala rin naman pala siya don. Naglakad kami ng pagkahaba haba ni Ina. Ang saya! Kasi kwentuhan kami ng kwentuhan. Kung anu ano. Ang saya talaga. Kahit namay mga paltos na yung paa namin, Go lang.
Dumaan kami kila Mary, wala rin naman siya doon. Umikot kami sa street nila Alyssa. Balak rin sana namin pumunta kila reinier hoping na andun si Gelo. *mochi* Dapat nga pati kila Dex puntahan na namin kaso minumura na kami ng paa namin.
napag-usapan naming magtricycle pabalik pero ayun, naglakad din kami. Dumaan kami kila Ranne pero ayun.. Sinamahan kami nila Leanna at Marielle pabalik kila Airah. Ang tagal naming naghintay kila Airah! Habng naghihintay kami...
MAY NAKITA KAMING ASONG TUMATAKBO AT ISANG 48-40-49 NA BABAENG TUMATAKBO. Aakalain mo talaga na hinahabol siya nung aso eh! pero hindi. Ang layo ng mararating niya pare, MAY FUTURE! MAY HINAHARAP SOBRAAAAA. Sabay bouncy pa. *laughs* naturingan nga namang Eva fonda.
Habang naglalakad nga rin pala kami ni Ina, nakakairita! ANg daming aso. Nalala kopa yung asong "timmy" ata yung pangalan. As in ayaw akong tantanan! Natatakot na ako, kasi sinusundan niya ako. Sabi tuloy lang daw wag ko tignan pero hindi ko kaya! Kailangan kong makit akung kakagatin na ba niya ako!
Hindi lang aso ang naghahabol eh. Naghahabol rin ng tingin yung mga tao! Ano ba ngayon lang ba sila nakakita ng kagaya kong tao? Yung 'friend' daw ni ren na nakamotor ayun! nakatingin din. As in nakatalikod pa siya habang nakaangkas sa motor ha. Tinitigan ko pa kasi iniisip ko baka kakilala ko eh. Eh hindi naman.
Nagsunuran na rin ang mga tricycle driver. Nakuu! Sa lahat naman ng mamagnet ko driver pa! TD MAGNET AKO! Napasa na sa akin ang korona ni Leanna. Halos lahat ng driver ng tricycle ttgn sakin. Hindi nga lang tric eh! Pati ung mamang nakabike *lmao*
Eto na, nakarating na rin sa wakas sila Diane. *whew* Edi usap usap. BIGLANG MAY DUMAAN NA POGING POGING PAPABLE NA YUMMY EVER NA NAKAMOTOR. Mukhang koreano eh. Sabay nakatitig lang ako, nagulat ako! Biglang may sumigaw sa tenga ko. AHHHHHHHH! sinabayan ng tingin yung lalaking nagmomotor habang nasigaw. Sila airah at diane pala yun! Yung pogi naman feel na feel! Hay nako! Nadamay pa tuloy si Ina. Ayoko sana sumigaw eh! Pero sa loob ko, GRABE DIN! ANG POGE!
Sabi ko nga kai Leanna, kami na nung lalaking yun. Sabi ba naman niya, DINAANAN KA LANG, KAYO NA? *rofl*
Pag may naalala pa akong ikwento, bukas na. *grins* Goodluck sa amin sa Campus Ministry pati na rin doon sa Sabayang Pagbigkas namin. :*
LA-LA-LA-LA! AY ANGGALING! AY NAKAKATAWA.. AMOY RATATOUILLE! AENAH? ALUGBATI? *EEW FACE PARANG NAPAPAITAN NA NAASIMAN BASTA MUKHANG SIR ANTHONY*
Labels: pogi ni sir ants, wala lang kwento lang