Ang tagal ko na ring hindi nakakapagblog, paano kasi umatake ang forces of evil. Andyan si Katamaran, Kabusy-han, pati na rin si Kalimutan!
Pero ngayong araw na 'to, nakaset na talaga sa utak ko na kailangan ko ng magblog! Kumabaga sa 2ne1, you gotta ring the alarm! Pero kahit gaano man ako kacorny, eto na, magboblog na ako ulet :]
Ang dami kong napagdaan noong mga panahong tamad ako, grabe. May nakakatawa, nakakainis, nakakalungkot at wala lang. Pero lahat 'yon, masayang ikuwento!
Friday, as usual, bokya na naman kami sa volleyball. Tinamad kami ni Diane at nagrereklamo na siya dahil sa kanyang nagmumurang sikmura. Birthday kasi ng adviser namin noon, kaya nagambagan kami para makabili ng cake, bumili rin sila ng pansit saka hotdog. Di raw siya kumain kasi akala niya kakain na agad doon sa first subject pa lang. Sa kasamaang palad, PE ang nauna.
Kaya ayon, bumaba kami at nagstay kami sa room. Kinain niya yung baon ko at ako naman nakaupo lang at kwento ng kwento. Habang masaya kaming nagkukwentuhan at kumakain naman si diane, biglang pumasok sa room ang principal namin. Halos matanggal yung pagkaka-attach ng puso ko sa katawan ko. Tinanong kami kung anong klase namin at bakit kami lang ang nasa room, sabi namin PE. Bakit daw nakain lang si Diane... Wala na, buko na kami! Pero dahil ako ata ang Reyna ng palusot, nakagawa pa ako ng paraan.
PRINCIPAL: Oh, anong subject niyo? Bat kayo lang nandito?
DIANE: PE po.
PRINCIPAL: Eh bat di kayo magPE doon sa taas? Akala ko pa naman walang tao dito sa room niyo, sabay si Diane kain lang ng kain. Hay nako, ma-minusan kayo sa grade niyan!
KYLE: Ahh.. Kasi po ano.. *hingal* Ang init po, bigla po ako nahirapan huminga, Diane tubig! tubig!
DIANE: Opo eh, eto eto.. Inom ka na nga kasi! *ibinigay yung jug ni Gelo*
PRINCIPAL: Ah, ganun ba. Sige akyat na kayo para di kayo mabawasan ng grade.
DIANE: *napansing nakatingin si principal, biglang kinuha yung jug ni Gelo at uminom*
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maisip yan ng hindi ako tumatawa. At hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Gelo na uminom si Diane sa jug niya!
Nabanggit ko na rin yung birthday ng teacher namin, eto kukwento ko na. Ang sarap nung pagkain. At libre drinks pa kami bilang pasasalamat nung teacher namin. Aba! Wish ko lang talaga araw araw birthday niya! Pero kung tutuusin, isa siya sa mga nagustuhan kong teacher sa school namin. Magaling kasi siya magturo at nakakatuwa pa. Salamat sa Award! XD
Nanuod kami ng film noon, Romeo and Juliet. Hindi ko nga masyado naappreciate eh, ang dami kasing nagaganap na kabalbalan habang nanunuod kami. Dahil ROMANCE ang theme ng movie, hindi mawawala ang paborito ng sambayanang 3rd year, ang love scenes. Kaya react talaga sila ng react. Magpapahuli ba naman ako!
Tinatakpan ko yung mata ko na tinatanggal naman ni Reinier, nakatakip din yung mata ni Alissa na tinatanggal ko naman. Hayooop. Napapagitnaan ako ng.. :D
Siyempre may love triangle din sa mga manunuod. Akala niyo sa movie no? Maririnig mo ang mga katagang.. "Sana may nakasandal din sa akin".. Mga ganun! Nagpaparinig baga. Bsta nakakatawa sila.
Ang trip ko naman, earphones habang nanunuod. O kung hindi naman, kwentuhan mode kay alissa. Kinukulit niya ako na malaman yung "secret". Hay nako, ang kulit!
Natapos yung movie na may kunot na noo ako. Bwiset! Ang tanga tanga ni JULIET! Pero ewan, okay lang din bobo din ni Romeo eh. Pero crush ko talaga si Romeo. :p
Pero isang tanong ang nanaig sa huli, IS LOVE WORTH DYING FOR? Ancorny, pero maraming ibig sabihin. Kung para kay Alissa, No. Sa akin, No. Kay Reinier, Yes at kay Ina, No.. May ibig sabihin yung mga yun. Ewan ko nga lang kung ano.
Pumunta ako noong isang araw kila ina, wala lang color color kami doon. Nagulat pa nga ako sa sinabi ni Joby na kamukha ko daw si Lady Gaga. WTH na compliment yan :] hahaha.
Hinihintay ko nga pumunta sila Gelo saka reinier sa bahay nila ina, halos mamaga na naman yung eyebags ko sa kakahintay eh. Pero okay lang, kasi nalilibang naman ako sa kuwentuhan namin ni Ina at natuto pa ako magcolor gamit ang oil pastel!
Maya-maya dumating na rin sila *hay salamat*. Ngunit noong mga panahong din yun bilang na rin ang oras ng pamamalagi ko sa bahay nila Ina. Kaya, oh sorry. Nakita ko pa sila doon sa may gate nil aina, nagulat ako bakit sila tatlo, yun pala kasama si xtian. hehe. Nakasalubong ko pa man din yun bago ako pumunta kila Ina. Ayun, kwentuhan. Hindi nga kuwentuhan eh, namumuna na sila ng outfit! Pagkakita pa lang sa kin, "uy ano ka! pupunta ka ng sm?!" Ganun agad eh. Bakit ba? haha, minsan lang ako makaalis ng bahay eh. Mungkahi pa ni Reinier, sa susunod daw na alis niya, poporma din daw siya kasi kailangan daw meant to be kami. HAYOP. meant to be pa ba kapag pilit ? XD
Bukas abangan mo ulit part 2 ng post kong to. :]
Labels: ano daw hehehe