PATULOY AKONG BABANGON, BABANGON DAHIL MAYROON PANG BUKAS NA HAHARAP!!!
Ang saklap ng buhay. Ang buhay ay puno ng problema at hirap, may saya at tuwa ngunit bakit kailangan kong magdusa ng ganito? Bakit ako pa? Ganun ba kalaki kasalanan ko?
Oo alam ko, salbahe ako. Maldita, intrimitida, loka-loka, walangya, ipokrita, nangongopya, nagmumura, nananakit at kung anu ano pa. Pero ang bigat naman ng parusa ko...
Bawat tao, may dala-dalang krus sa kanilang likod. Parang si Hesus nung naglalakad siya. Ang krus na ito ay ang ating mga problema. Iba't ibang hugis, iba't ibang bigat, kulay at istraktura. Ngunit pare-parehong may solusyon.
May nabasa akong fanfic, sabi doon, yung babae, may bestfriend siya. Masaya sila parati. Yung babae may gusto siya dun sa isang lalaki, si goryo. Si goryo unknowingly, may gusto pala ke bestfriend. Eh kaso, yung babae, nilalakad yung isang boy kay bestfriend. Si Goryo eh parang kinakaibigan yung babae ngayon, eh kung sa bagay gusto siya nung babae, di niya napansin na parang ginagamit lang pala siya para maging kaclose si bestfriend. DAMN. Ayoko ng mga ganitong kwento, so saaad~
MASAYA AKO MASAYA AKO MASAYA AKO MASAYA AKO MASAYA AKO MASAYA AKO MASAYA AKO MASAYA AKO MASAYA AKO.....
Sana tumatak sa utak ko, para kahit sa imahinasyon ko lang, maging masaya naman ako.
Ang hirap magpanggap na masaya kapag pakiramdam mo unti-unti kang ginigilitan ng leeg. Wala kang matakbuhan, wala kang masabihan, wala kang karamay, wala wala... Lahat ng tao sa paligid mo, may problema, dadagdag ka pa ba?
Sa bawat oras, nakangiti ka kahit na busahan ng asido yung bunganga mo. Kahit na may nakasaksak na kable ng kuryente sa ilong mo...
SANA LAGNATIN AKO! SANA MAOSPITAL AKO! SANA SANA SANA! PARA KAHIT PAPANO MAGCARE KA NAMAN.
Be ready. Maging handa sa mga maaaring mangyari. Ano pa bang dapat kong paghandaan, kung lahat na ng problema ay aking pasan. Damn.
Sana I can predict the future para alam ko na kung anong dapat paghandaan! Hindi yung biglaan. Hindi yung tipong sa sobrang lakas ng impact eh parang na-21 guns yung katawan ko.
Monday, Tuesday and Wednesday. This week? Okay naman. You can still see the sun even though it's raining hard.
Monday na monday, ang sama ng araw ko. Ang hirap ng exams. Bwiset. Chemistry pa lang, dinudugo na nga ako, duduguin pa lalo.
Ang sama ng ugali ko. OO ang sama talaga. Inaamin ko. Nangopya ako. Nagpakopya ako. Nagbukas ako ng libro! Hanep nga eh, ako pa yung hindi nahuli. Matinik no!
Sa TLE din, grabe. Ang sama ko. Pero nakakapressure nga eh, kasi lagi namang nakikipagkumpitensya si reinier. daaaaaamnn..
Tuesdayy..
Di ko na maalala, basta ang alam ko, bwiset yung grammar. Paano ba naman kasi no! Wala naman sa coverage yung parts of speech. Sabay ang hihirap pa. No wonder may naka-4/55. Pero masaya na ako dahil kahit dalawang puntos lang ang lamang ko kay ano, at least :)
GEOMETRY.
Eto kahit anong gawin kong solution sa number 8 problem, wala talaga ako maisagot. I TRIED MY BEST!
Ap. Malawakang kopyahan din ito. Kung si Genghis Khan ay universal leader, kami ang universal cheaterS. Hayop. Di naman ako nangopya eh, nagpakopya lang :DD
Utang ng MGA TAONG yun ang score nila sa akin.
Ang sama sama nga ng loob ko eh, paano ba naman kasi.... Ako na nga tong nagpakopya, ako pa tong nasisi. Di ko daw nabigay lahat ng sagot. Kasalanan ko pa ngayon? Biro lang niya yun pero may impact yun sa akin ha. That hurts.
Sana hindi mo nalang ginawa lahat yon, sana di mo nalang sinabi, sana di mo nalang isinigaw, sana hindi mo nalang idinahilan, sana hindi nalang! Para SANA hindi ako naugatan ng kakaunting pag-asa.
Ako daw ang inspirasyon, ang babes, ang love, ang soulmate at kung anu ano pa. Hayop all around ata ako ha!
Teka, napapansin ko puro nalang ako HR ng HR.
Speaking of soulmate, natawa naman ako kanina. Habang nagsesenti kami ni Ina doon sa favorite place namin, magpapalagay sana ako sa kanya ng band aid doon sa nakakadiri kong sugat. Sabay biglang umepal si reinier, siya daw maglalagay. Siya na nga kahapon eh! Sabay napansin ko may sugat din siya doon sa bandang kamay niya rin kung san meron din ako. Hayop!
Ano ba yon :)))
Sabay pareho pa kami ng cheating weapon sa MAPEH.
I will wait for you coz I love you. Nakanang! May alam ka palang ganon *grins* If I know, di naman para sa akin.
Tama bang ako ang idahilan kapag meron kang kaaway na may gusto sa yo? Nagalit siya dahil di mo siya pinapansin, at ang sasabihin mo ay dahil ako ang mahal mo?! ULOL KA BABY :))
Galit ako sa 'yo. Di joke lang, di ba sabi ko nga, hanggang kamatayan pagmamahalan natin?
Ano bang Joke dun? Parang lahat eh.