FRENCH KISS BA YUN?
Natawa naman ako sa pambungad. French Kiss agad, ang hardcore naman *carelesswhisper bg music*
Ewan ko ba sa isang tao dyan, bakit ba french kiss ang inisip. May tinatagong kaalaman.
- Kyle should hide under my bed whether she likes it or not.
- Hurray! Kyle is hot and sweaty.
- Kyle asked me if I would like to try her topless coffee or bottomless iced tea.
Napapansin niyo bang puro kapotpotan nalang ang laman ng blog ko? Paano kasi, yung isang tao sa buhay ko (tao nga ba?) eh wala na atang ibang hobby kundi gambalain ang napakapayapang paghinga ko. Kung sa bagay, hindi talaga kumpleto araw ko kapag walang banat mula sa taong yun. *ehemm*
Wala na atang ibang paksa sa silid aralan namin, mismong seksyon namin ha, kundi ako. Ako at ako lang naman. Minsan naisip ko, ganun ba ako kaganda? Na lahat ata eh nagkakandarapa na akong pag-usapan at gawing paksa? Grabe, naawa ako sa kanila.
Siguro himala lamang talaga ng mga nagsisiputiang anghel mula sa langit kapag hindi ako naging example sa sentence sa English eh. Kung hindi ako napansin at nasabihan ng kung anumang banat at pati inasar dahil sa napakaganda kong tinig.
Kahit nga liban ako sa klase, napapag-usapan ako eh. Jusko, IKAW talaga yung roots of evil ha! sana nag-iinternet ka para mabasa mo to. Dedication ko to sa yo tutal ako naman lagi gusto mo i-topic, ngayon ako naman ang magtotopic sayo.
Good kisser ba talaga kapag nababaliktad mo yung dila mo? Nacucurious talaga ako. Paano ba kasi nagagawa yun? Nasearch ko na sa ehow eh, pero wala. Ilang beses ko na din sinubukang gawin yun,ngunit sa kasamaang palad hindi ako nagtagumpay. At ang masaklap pa duon, nabigyan pa ng kakaibang interpretasyon ang kakaibang itsura ng dila ko habang nagpapractice akong baliktarin yun. Mga lalake nga naman.
Naiinis ako kay Brian kapag binibiro niya ako ng mga ganung bagay. Anung ganun? Sabi ba naman niya, di daw niya kayang baliktarin ang dila nia, which means hindi sya good kisser, pero bakit sabi ko daw good kisser sya. JUSKO NAMAN. REALITY CHECK.
Ewan ko ba, napakalaking meaning ng word na kiss sa araw na ito. *alam mo na iyon ina* Hindi ko alam kung paano ako magrereact, pakiramdam ko tumigil yung bunganga ng teacher ko habang nagdidiscuss, na-freeze yung mga classmate kong nagsisi-bad finger-an, at nagmalfunction yung puso ko kasi nakalimutan niyang magpump. Jusko naman heart oh, youre not doing your job right ha. Tsk, masisisante ka nyan.
Lumabas na iyong resulta ng Exam sa English grammar, sobrang kabado akong buksan yung notebook ko. Kampante na ako na hindi mataas yun grade ko, kasi sabi nga ni God. Pero shempre kahit papaano umaasa ako. May nabubuhay pa ding "spirit of perfectness" sa akin.
Pagkabukas ko.... NagCR ung spirit na yon. PUTEK.
Naiinis ako. Kay Reinier pati sa sarili ko. Kay Reinier kasi, bakit niya naperfect yon?! Ang galing niya manghula. Siguro nagpaTAROT CARD reading yun. Sa sarili ko, kasi masyado ako nagpaapekto at nagpapressure. Umasa din ako na makakakuha ako ng pantay na grado sa kanya. Sorry Lord. Pakibatok naman ako oh.
Ngunit, hindi ako dapat malumbay. Hindi sapat na dahilan yun. Sobra sobra na yung binigay ni God na biyaya sa akin. JUSKO! Geometry at Chem kaya yon. Pati Filipino pinakyaw ko na.
Kung sa bagay, isang puntos lang naman lamang ni Reinier sa akin eh.
Wala akong mapost ngayon. Masyado akong shocked sa mga pangyayari. Ano bang gagawin ko? Ano bang dapat kong reaction? Help! LOUDER! *backpack backpack*
Wala muna symbolism, Alam niyo na agad kapag yun yung ginamit ko eh. :| Yung ano nalang, puno sa Values. Yung pine tree, na naging christmas tree. YUNG MAY KAPAREHAS AKO. meant to be... si jan di at jun pyo.