ANG SARAP NG NILAGANG MANI!
Kumakain ako ngayon ng nilagang mani, ang sarap. Hehehe. Ang tagal ko atang naiwan na nakabuyangyang ang blog ko na walang bagong post, nakakahiya naman. Masyado kasi akong pressured sa pag-aaral (naks). Nag-aaral akong mabuti dahil dito nalang ako makakabawi kasi di naman ako nakikinig sa teacher ko eh. Self study ba.
Dumagdag pa sa kapressure-an ko ang iniabot ng aking kaalaman na nakaperfect yung classmate kong potpot na si Reinier. TAE NAGKAKAMALI SILA NG CHECK! RE-CHECK! WRONG PAPER! KODIGO! NANGDAYA! LEAKAGE! yan ang tumatakbo sa isip ko ng malaman kong nakaperfect siya. Hindi naman sa mayabang ako o sa minamaliit ko siya ha, ano lang.. Medyo.
Kaya eto ako ngayon, nagpapakasubsob sa pag-aaral para naman maipamukha kong HOY! DI KA PWEDE MAGYABANG SA ISA DITO! masampal nga siya ng papel ko ng magising sa katotohanan.
Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga nakaraang pangyayari o maiinis o maasar o magpakamatay nalang kasi di ko alam ang ittype ko. Madaming nakakatawang nangyari eh. Sa sobrang nakakatawa hindi ko na alam kung ano bang funny dun.
- "Anak ako ni MJ!" "Oo nga eh, sa sobrang mahal sayo ni Michael nakalimutan ka na niya sa Pinas!"
- "Anong kulay ng orange juice kapag nilagay sa basong blue?Violet...." "Violet? Di ba green?"
- "Sir! bakit mali to?! PASTRIS yan o! pastris!"
- "Ay si Professor Snipes ba?"
- "Amoy kangkong yung pwet ni Brian!" "Correction, amoy bulok na kangkong."
Pakiramdam ko kasi, pagkatapos ng isang magandang panahon, darating ang isang bagyo. Pagkatapos naman ng bagyo, darating ang isang magandang umaga. Kaya ayoko masyado ng sobrang biyaya, dahil pakiramdam ko nga, sobrang hirap din ang dadanasin ko. Ngunit, bigay na sa kin to no. Akin na! Grab na no.
Isa pa nga pala, hindi ko talaga inaakalang makakapasok ako sa Campus Ministry. Anggaling no? anggaling. Hindi ko akalain lahat.
May isang puno. Maganda naman yung puno, kapansin pansin naman ngunit hindi pa rin siya nadidiligan ng nagtanim sa kanya. Naghihintay siyang diligan siya. Dumating ang araw, na nilapitan siya ng nagtanim sa kanya, akala niya yun na yung panahon na didiligan na siya, kaya tuwang tuwa na siya. Ngunit, kaya pala lumapit ung nagtanim sa kanya dahil aakyatin siya nito para makapunta pa duon sa isang puno para diligan yun. Ano kaya pakiramdam nung isang puno na aapakan at aakyatin lang para makarating dun sa isa pang puno?
Labels: anggaling, campus, puno, unexpected