HADLANG BA ANG ISANG PAGKAKALAYO SA PAGKAKALAYO NG MGA PUSO AT ISIPAN?
Kung ang mga Espanyol, habang sinasakop nila ang Pilipinas, hindi ba, di naman nila nakalimutan ang bayan nila kaya patuloy lang sila sa pagsakop. Kung ang mga taong nagtatrabaho sa ibayong dagat, araw araw nila iniisip ang mga anak nila kahit na puro pabili lang ng snickers at crunch ang sinasabi. Kung ang magkakaibigan sa internet pati narin ang mga magsosyota, di naman nila nakakalimutan ang isa't isa hindi ba? Kahit na magkakalayo, kahit may dibisyon at hadlang, hindi yon sapat na dahilan. Kahit isang tumpok ng dumi ng kambing ang nakaharang sa daan, isang daang libong spartans na naga-AWOO AWOO, o maging isang DINGDING lang yan, THAT IS NOT ENOUGH.
Hindi na ako magdedetalye pa, sa kadahilanang, ayoko magdrama. Basta, kung anuman ang nasa saloobin ko ngayon. Dyan ka muna. Sit back and relax.
Sa bawat bagyo na nananalasa sa mumunting tahanan ng ating mga damdamin, sisikat ang isang napakaliwanag na pag-asa. Isang pag-asa na naghuhudyat na, may bukas pa. (Manuod kayo every weekdays 8pm) Kahit ilang bagyo o trahedya ang dumaan, sisikat din ang araw. Sa bawat madilim na gabi, sisikat ang maaliwalas na umaga.
Hello.
Nakakatuwa tong araw na ito. hindi ko alam kung bakit. hehehe. Tawa ka, joke yun.
Kay aga-aga pa lang, pambungad na ang nakakabuwisit na ngisi ng mga kaklase ko. Hindi ko malaman kung may lahi ba silang demonyo o sadyang mukha lang talaga. Iyon pala eh, pinagpepyestahan na nilang panuorin yung scandal ko sa youtube.
ANG KAPAL NG MUKHA MO HAYDEN! AT NAKAKATINGIN KA PA NG GANYAN!
- Katrina Halili
Hindi ako yung iniskandalo ni Hayden ha. Ano lang.. Pangarap. Joke. Asa naman.
Ayon, yung MGA video ko nga eh. Hindi VIDEO. MGA VIDEO. Yung pagkanta ko ng napakaganda na may kasamang ubo na tanging mga may likas na talento lamang ang nakakagawa, pati na rin ung pagindak ko sa disturbia na talaga namang bentang benta sa masa.
Siguro sa susunod na henerasyon ng mga komedyante, makakapasok ako. Wag naman, singer ho ako.
Pagkatapos ng mala-fiestang pag-uusap sa aking mga benta, sumunod naman ang kagimbal-gimbal na pagsusulit sa English grammar. Siguro nadismaya lang talaga ako ng todo kasi masyado na akong nakatuon na maiperfect lahat ng sagot. Syempre ayoko namang mayabangan ni potpot Reinier no. Kahit ba araw araw na ako niyayabangan nun, iba pa din yung may maipagyayabang din ako pabalik.
Siguro sabi ni God, "magtigil ka nga. masama yang hangarin mo, kaya no! no! no! No way!" Nako naman God, sana naman wag naman masyado mababa ang ibigay niyo. Sorry na po. Oo nga, siguro nakatuon nga ako sa pagyayabang ko din sa kanya pabalik, which is SUPER wrong. *eeeengk!*
Habang sinasagutan ko yung bangungot ko, ay yung ano pala, exam sa english grammar, nakakunot na ang noo ko. Inaasahan ko ng hindi ko maisasagot ng tama ang lahat ng mga tanong. Masyadong komplikado ang utak ko ngayon. Idagdag mo pa ang nakakainis na mukha ni Reinier habang nasagot ako. Talagang nang-aasar eh, potpot.
Sabi naman ni God, "ay sige, tutal maganda ka naman kyle, at napakabait mong bata, pagbibigyan kita sa geometry. Wag na sa grammar, magyayabang ka lang ke reinier eh."
Ay God ha, I love you talaga.
Oo, tama yung sabi ni God. Sa geometry niya nga ako pinagbigyan. Oh GOD! grabe, hindi ko inaasahan. Oo na sige na, mayabang na ako, inaasahan ko na medyo may kataasan nga ung makukuha kong marka, ngunit hindi inabot ng imahinasyon ko na magiging MAS mataas ako sa inaakala ko. Miski nga sa pangarap ko bobo ako sa math eh. hehehe.
Noong una, medyo nakakalokang ewan eh, dalawa kami ni Jesterlyn na may pinakamataas na marka sa pagsusulit sa geometry. Ngunit.... Nagbago ang ihip ng hangin.
Wag ka nga ganyan! Di ako nabawasan o hindi nila sinabing, "HINDI MO PAPER YAN KYLE!"
Nadagdagan pa ng isang puntos ang marka ko, making it 39/40 :P At sa laking gulat ko, 37 na lang si Jes.
OO NA! PABYAAN MO NA AKO MAGYABANG! BLOG KO TO NO! BLOG KO TO! AKIN TO! GUMAWA KA NG IYO KAHIT MURAHIN MO PA AKO SA KAYABANGAN KO EH!
Nakakainis! Kasi, natuwa ako. Ang sama ng ugali ko no. Pero at least inaamin ko. Natuwa ako ng sobra! Nalaman kong, ako yung nag-iisang highest. Ako! AKO! AKOOOOO!
Akong dati'y bo-bobo-bobo sa Algebra? Akong palaging natutuwa kapag nakapasa ngunit bibihira lamang iyon? Akong iniiyakan ang bagsak na marka sa exam sa math? Akong pinagtatawanan noong naka 9/50? OHMYGOSH.
I love you.
Nakakatuwa yung pinag-aralan namin sa Filipino kanina. Ang dami kong napulot na aral.
Kung magtatagalog ka, magtagalog ka. Kung mag-iingles ka, mag ingles ka. Walang TAGLISH.
Masyado na atang malalandi at kikay ang mga Pinoy ngayon. Puro OMG na sila. Oo, di ko ikinakaila na minsan isa ako sa kanila. Nakasanayan ko kasi. Hindi ako mayaman, pero may breeding ako no.
Pati yung kwento ni Ginang Alcantara sa amin, yung isang bata sa CR sa ATC. Kasi naihi yung bata sa shorts niya. Yung nanay niya ngayon, parang machine gun sa kakatalak sa CR dahil yung tatay nung bata eh hindi nakapagdala ng short pampalit. Sa kabila ng nakakabuwisit na bunganga ni nanay, ang bulilit na walang kamalay malay eh nagsabi na lamang ng, "sorry na po."
Kahalagahan ng komunikasyon. Shempre napakaimportante nito. Kapag galit ka sbihin mo! "HOY P!@#$% I%@ M*!!!" Ano nga ba ang mararamdaman mo, kung ikaw, yung syota mo katabi mo, di ka man lang kinakausap? Kung ako yun, masaya ako. Kasi wala naman ako syota. Joke yun tumawa ka. Pero sabi nga ng isang insektong tao, sanay na daw siya sa akin. Joke yun tumawa ka.
Sa Mapeh namin kanina, (TEKA PARANG EVERY SUBJ GUSTO KO NA IKWENTO HA?) wala lang, puppet show. Di naman ako masyado naintriga ngunit nakakairita talaga na kakanta nalang ako ng TONIGHT eh tatawa na silang lahat at uubo. hehehe.
Kasalanan ko ba? kung nais kong umawit? Maganda naman kaya boses ko. Ang dami kong die hard fans, halos magpakamatay na sila marinig lamang ang tinig ko. Yung iba nagwawala sa harap ng bahay namin, binabato yung bahay namin sabi ilabas na daw ako. Nagmura yung lolo ko... SABI PI KA WAG KA NA NGA MANGARAP! Ay, para sa akin pala yun.
May fans ako, si Philip, Megan, Sheila, Renz, at si Bobong. Lahat sila, imbento ko lang. Mga unan sila sa kwarto ko. Pero kahit anong piyok at ubo ko man, nakikinig sila sa mga kanta ko. Ikaw? Alam kong gusto mo ng marinig ang boses ko. Maghintay ka, sisikat din ako!
KAPAG AKO SUMIKAT, SINASABI KO SA IYO, WAG NA WAG KA HIHINGI NG PERA SA AKIN KASI MISKI SINGKO WALA KA MAKUKUHA SA AKIN. DI KA NANINIWALA SA KAKAYAHAN KO KAYA DI RIN AKO MANINIWALA SA MGA BOLA MO.
Banta ko yan sa mga classmate ko, tawa lang ang naisagot nila sa akin. Ako naman? Tawa din. Hehehe. Pero seryoso ako, sisikat din ako. Di man sa pagkanta, pero sinasabi ko sa inyo. Di ako lilisan sa mundo ng wala akong nagagawa na miski isang bagay na hindi magmamaliw sa mga utak ninyo.
Wala na akong masabi. Bukas naman?
Ay meron pa pala. Naalala ko kanina. Ngayon kasi yung screening sa mga nais sumali sa PALS club. Doon ako dati member. Kaso, dahil nga ako ay nagpasyang mag-audition sa campus at nakapasa ako, nakapirma na din ako... Sa palagay ko ngayon, nakakahiya o nakakaewan na umattend pa ako sa meeting/screening nila. Kaya di na ako umattend. Niyaya ako ni Ren na sumama kasi tutal di pa naman ako umaalis
Sa sobrang kaewanan ng isip ko, kasi ng patong patong na iniisip ko, may nasabi akong hindi maganda. Siguro nga, totoo, siguro nga di naman nakakahurt masyado pero ako nahurt yung isa kong side eh. Takte yan may ganun pala ako.
Eh kasi kapag pinapili naman ako kung pals o campus, campus pipiliin ko eh.
oo tama ka, nagreact nga yung classmate ko na nag-aya sa akin sumama. Nagdrama pero sa huli dahil irresistable ako, pinansin din niya ako. Pero narealize ko mali talaga yung sinabi ko. Totoo pipiliin ko yung campus pero ang sama ko naman nasabihin yun bluntly di ba?
Parang lumalabas tuloy na wala akong utang na loob or something. Paano ko ba nasabi yun ng derecho at may kakaiba pang tono?
Sorry. Sorry.
Walang permanente sa buhay naten. Kaya sulitin na natin to. Sabi ko nga, Parang Unli yan. Dadating ang oras na kukunin tayo ni 8888, kaya habang di pa nangyayari iyon, sulitin na at magtext at magGM na kayo.
Araw-araw, nakatingin ako sa isang stante sa mall doon sa isang jewelry shop. Pinagmamasdan ko yung isang napakagandang pulseras doon. Di naman kagandahan para sa iba, at nasa mababang presyo lang ito. Kaya kong bilhin. Kayang kaya. Pero, iniisip ko lang kasi. Bagay ba sa akin yun kapag sinuot ko? Kapag sinuot ko ba yun, di ako magsisisi na binili ko? Kahit ba, di ganoon kamahal yung presyo niya, madaming aspeto din akong kailangan isipin bago iyon eh. Tama bang bilhin ko? Kahit na hindi ako sigurado sa magiging epekto?
Labels: bracelet, divide, friendship, geometry, pangarap, pulseras, singer, singer si kyle, subjects