Grabe blog, ang dami dami kong gustong sabihin sa 'yo kaso ewan ko, di ka naman nakikinig eh!
Pero sige, no choice na ako, ikaw ang bestfriend ko :)
Siguro naman no, kilala niyo si Angelo. Oo yung maangas na rocker na classmate ko na PALAMURA. :)) Oo sya nga. Ayun, hindi talaga kami close, pero kahit nung second year nakakatuwa siya katabi kasi ang dami niyang kwento at medyo makulit din. Oha tarush ni gelo. Ngayon namang tumanda na kami at naging third year, ayon medyo naging close namin ni Ina si gelo. Lagi namin s'ya nakakatabi kapag nagsisiNPA (not in proper arrangement) kami. Ang dami dami niyang kwento, kesyo ganito ganyan, ewan ko! Pero nakakatawa talaga siya. Ang pagkakakilala ko nga sa kanya eh, yung maangas na palamura! Ang pangarap daw niya, makita sa TV balang araw, hindi dahil wanted sa sexual harrasment, kundi dahil isa na siyang sikat na gitarista parang si Slash ng Guns n' Roses.
Nakakatuwa yung pangarap niya no? Parang ang hirap abutin pero, kung maririnig niyo talaga siya tumugtog, aba ewan ko. Pero eto na nga, magbibirthday na siya, so ayun imbita imbita siya ng tropa niya (sila jom, ren, etc). Humirit naman ang napakagandang si AKO, "di mo ba kami iimbitahin? di ba pumunta ka nung birthday ko!" At sabi niya, imbitado naman daw ako. (nice imbitado ng di alam =)) )
At ayon na nga, ang laki ng hirap ko para makapunta lang sa kanila. Hindi lang ako, pati si Ina. Pero dahil sa charming powers ni clint, napapayag niya ang parents ni Ina. At ako? Kahit kanino atang charming powers hindi gagana eh, maliban nalang kung sa magsasabing nanalo kami sa Lotto.
Nung araw na yon, sinabi ko sa lolo ko, habang nakaangkas ako sa motor at lumilipad-lipad pa yung buhok ko, na aalis ako. Pagkadating ko sa bahay, ang tanging narinig ko lang ay, HINDI, UULAN. At tapos, ilang beses ako nagpapapansin para payagan ako, pero hindi talaga. Shet di kaya ng charming powers ko. :(
Ang usapan naming magkakaibigan, sabay sabay kami pupunta kila Angelo, Ngunit subalit datapwat ako'y hindi pinayagan, akala ko talaga di na sila pupunta. Ngunit subalit datapwat ulit, pumunta pa rin sila Czarina at Clint sa bahay. Nagalit ang mga tao sa bahay, Kesyo, nagdedesisyon daw ako mag-isa at umaabuso na ako. Pero sa huli,pinayagan din naman ako. Pa-hard to get pa.
Ayun, nakakatuwa kasi ang ganda ng nanay ni Angelo, parang kolehiyala lang! Tapos, bago pa umalis yung nanay niya, niyakap muna siya at tinawag na BABY!! (FYI: SI GELO AY KASING TANGKAD NA NG MGA TATAY NIYO :]]) Ayun puro kain ang ginawa ng mga lalaki, at kami puro chismisan. LOL. Umakyat ako sa taas ng bahay nila at nakakashock na ang galing galing pala maggitara ni Angelo. Juskoo, di malayong marating ang pangarap. At as usual, si Kenneth, Back up lang. hehehe :P
Ang saya namin kahit na ganun ganun ang ginawa namin. Kahit na parang tanga si Reinier dahil emo mode siya, okay naman ang lahat. Nagpasya na din kami umuwi dahil may mga curfew kami.
Sasabay pala sa akin pauwi si Mary Rose, edi nagyaya na siya umuwi. Sabi ko sa kanya susunduin ako ni lolo baka magalit. Pero dahil sa lady gaga din ako, edi sumama ako. Habang naglalakad kami, bigla umulan. Para kaming tanga dahil imbis na sumilong, tumakbo pa kami sa ulan at kinakaladkad niya ako. Ang saya magpaulan! Never ko pa talaga naexperience, kasi nga di ba prinsesa ako. Ngunit subalit datapwat, nakita ko na INCOMING SI LOLO! tago mode kami sa bahay ni Cza.
At ang mga lady gagang boys, nagsi-asar naman sa amin ni Mary na FHM daw. *tawa tawa tawa* dahil wet look. Ngunit, kahit na anung iwas ang gawin namin, natagpuan kami ni lolo at inulan ako ng mura. Dahil nga sa guilty si gelo dahil pakiramdam niya kasalanan nia, nagpakabait naman siya at hinatid kami hanggang dun samay tricycle. Gusto ko sana sabihin na di naman niya kasalanan, na...
TANGA UMULAN!!!
Ayun, nakakapagtaka na walang napagalitan sa amin. :) Siguro pinagdasal ni Gelo yun. BELATED GELO. :P