
Isa ba kayo dun sa mga taong napakahilig maghanap o maniwala sa mga zodiac? Yung mga biktima ni lolo't lolang chinese? Every new year saboy ng saboy ng bigas sa bahay, naglalagay ng RED CARD sa kung saan saan at ayun, nakaabang sa TV para sa i-aannounce ni ZEN na horoscopre tuwing umaga sa Umagang Kay Ganda?
Pwes, Apir tayo mga pare. Ang lolo't lola ko, napakamapamahiin talaga. kapag magagawi ka sa munti naming bahay, madami kang makikitang mga kabayo na nagtatakbuhan o di kaya'y naglalandian, mga buddha na nakalimutan ang diet, mga chinese na todo smile, amoy insensong sala, mga red card na nakasabit at mga bigas na nakatapat sa salamin.
Syempre ilang beses ko na din naitanong sa kanila, ba't ba kasi naggaganyan pa no? PAMPASWERTE daw. Eh hindi ba, tayo rin naman ang gumagawa ng sarili nating kapalaran? Aba, binatukan ako ni lola at sabi, "walang mawawala kung susubukan natin." Kaya ayun na nga.
Nagpasa-pasa na sa aming lahat ang mga pamahiin, tradisyon at kung anu-ano pang oldschool na ginagawa. Kaya pati nanay ko ganun din. Kaya pati ako, medyo naimpluwensyahan na din. BI talaga oo.
Pero hindi naman katulad nila na sarap to the bones ang paniniwala. Medyo lang naman yung akin. Ang ginagawa ko lang, nakikinig, nagbabasa at naghahanap ako ng mga horoscope. Oh di ba? Sabihin mong hindi mo ginagawa yun?! Nakakawili lang kasi talaga. Feel ko natatamaan ako kapag tuwing nababsa ko na yung sa akin. Bakit ganun? Pakiramdam ko sinusundan ako nung nagsusulat eh, pero alam ko hindi naman yun lahat totoo syempre! Yung iba dun, hula-hula lang niya o baka nag-jack en poy sila nung editor niya.
Pero ang galing talaga. Minsan tumpak na tumpak, pati sa mga compatibilities, SWAK! ewan ko ba. Ang galing nila manghula ah. Infairness. Oo na, alam ko tumatawa ka kasi bakit ko ba hinahanap yung compatibilities, eh there's no harm in trying naman di ba? :D
Nakakatuwa nga eh, minsan ang weweird ng mga lumalabas. Sabi, "you will encounter problems", "you're going to be happy", at eto yung weird, "google ads". O_O
Eh syempre di ba? Obviously, lahat naman tayo magkakaroon ng encounters sa problems at magiging masaya din sa tamang panahon, Ewan ko nga lang dun sa google ads!
Pero sabi nga duon sa libro kong nabasa, hindi naman yun sa nilalaman ng nabasa mo eh, nasa reaction un ng mambabasa. Kung natuwa, nagalit, nainis, naasar o natawa, Ang mahalaga apektado ka. Oh di ba? Apektado pa rin talaga ang mga tao sa mga ganito. Yung mga hula-hula sa Quiapo, mga Card reading, Fortune Cookie, Horoscope at kung anu-ano pa.
Hindi naman masama na makinig o magbasa ka eh. Kung apektado ka man, okay lang. Basta wag mo lang itatanim sa utak mo na ganyan na nga forever. Na, "Ay! di kami compatible ni Boyfriend ko sabi sa horoscope, i-Break ko na nga yun!" hindi po ganun. Nasa kamay pa din natin kung anu ang mangyayari hindi ba? Kaya kung ako sa inyo, matulog na lang kayo.
Labels: beliefs, chinese astrology, pamahiin, traditions, zodiacs