Hello :))
Hi blog, eto na naman ako magdadrama sayo. Badtrip ka talaga, bakit ba wala kang balikat ha? di ba ganuon un sabi ng mga madramang tao, A shoulder to cry on.
Ayon, Ang araw ko? Komplikado. Kakaiba. Paggising ko pa lang, hindi ko alam kung bakit, pero antok na antok pa rin ako kahit na nakatulog na naman ako ng mga anim na oras. Pero naisip ko, Ay shet kelangan ko pala pumasok! Pagtitripan naman yung bestfriend ko ng mga mokong na yun. Naks, ang baet ko no? Edi ayon, as usual ang bagal ko na naman kumilos, paano kasi kumakanta muna ako sa kwarto bago ako magbihis. Ang landi.
Ayun din yung isa ko pang dahilan kung bakit gusto ko pumasok. Kinakabahan na kasi agad ako dun sa Audition sa Campus Ministry, yung club na kumakanta. Ewan ko ba kung anong kayabangan ang sumapi sa akin at nagyabang ako na sasali ako doon. Hindi po talaga maganda ang boses ko, hindi naman sa sobrang panget, hindi lang talaga kagandahan. As in kinakapos pa ako at pumpiyok. Sensya na ho. Pero ewan, dahil nga sa malandi at makapal ang mukha ko, ayun sabi ko sa mga kaklase ko, na mga Anti-Kyle pa man din, na sasali ako ng Campus. Wag na wag silang papalakpak at hahanga sa akin kapag nakapasok ako.
It all started as a joke, at hindi ko din alam na ako din pala ang magdudusa. Tanga for short. Actually, hindi naman sa plastik ako at pasikat lang no, Kasama na yun pero hindi yun ang main point ko. Ang punto ko, gusto ko talaga kumanta. Hindi ako nagbibiro, mahilig ako kumanta. Ewan ko nga lang dun sa kanta kung bakit diring diri sya sa akin! Naliligo naman ako ha. Nagmana siguro ako sa nanay ko, kanta ng kanta kahit sintunado, di na naawa. Hay. (nandamay pa!)
Pero eto ako ngayon, nagdadrama dahil nakapag-sign up na ako na magauaudition ako bukas. Kabado? Medyo. Tanga? Oo. Pero ayos lang sa akin. Kaya ko talagang mag mukhang tanga, sus araw araw ko ginagawa yuon eh. Kahit present lahat ng members ng Anti-kyle ayus lang. Kaso..
Meron pa ho akong isa pang club. Pero syempre bago ko inisip na sasali ako duon sa isang club, naisip ko na din yung club kong yon, PALS. Ang sabi sa akin ni Ina, yung bestfriend kong inaaway na vice president din ng pals, maari daw kami magkaroon ng ibang club kasi hindi nman ako officer. (for short di ako kelangan. JOKE!) Kaya itinuloy ko na ang kakapalan ng mukha ko. Ngunit, sa mga oras na ito... One club policy pala ang umiiral sa atmosphere ng PALS. At bukas, sabay ng audition time sa Campus Ministry, ang general assembly ng pals. Sabihin mo nga sa akin, tanga ba ako?
Ang hirap kasi para sa akin na pumili, Campus ba? Yung club na gusto ko sana i-try para makapagexplore ako? Pals? Andun yung mga kaibigan ko at dun ako galing? Ano?
Nagbato sa akin ng joke yung kaibigan kong lalaki, na lagi naman niyang ginagawa, pero iba ito eh. Oo lagi nia akong binibiro ng kung anu-ano, jusko ako nga target parati eh, at di lang naman ito ang unang beses na tinamaan ako sa joke niya. Ang sabi niya kasi, traydor daw ako sa club ko dati. Marami pa siyang ibang sinabi pero hindi ko na narinig. Pakiramdam ko na-drain ako eh. Oo na, shet ang babaw ko! pero hindi eh, pakiramdam ko tuloy ganun ang iniisip ng iba ko pang kaibigan. Syempre kaibigan ko sila, importante kaya sila sa akin.
Kaya eto ako ngayon, nagdadrama at wala ng kaluluwa. Dumagdag pa ang isa..
Pagkauwi ko ng bahay, lamya ako, syempre iniisip ko pa nga yung sa problema ko. Pagkapasok ko ng kwarto para magbihis, kumanta na naman ako. Shet panget pa din boses ko, anu ba yan. Edi lumipat ako ng kwarto, umaasa na dun sa isang kwarto gaganda ang boses ko. NAdismaya lang ako, kaya kinuha ko yung notebook kong may letter na nanghihingi ng pirma ng parents para makasali dun sa Campus. Edi binigay ko sa tita ko, sinabi niya sa lolo't lola ko. At nakakainis talaga! Ewan ko ba kung sino ang apo ng lolo't lola ko? Ako? o yung nagsabi na bumabagsak ang grades ko dahil sa clubs?
Paano kaya niya nasabi na dahil yun sa clubs :( grabe, di nga ako aktibo eh. Pero nakakadismaya lang, kasi kahit anong eksplanasyon ang gawin ko, ayaw nila maniwala. Sumagot na nga ako eh, Pero wala pa din. Ang hirap. Ang hirap.
Sabi pa ng lola ko, ba't daw ba ako sasali pa eh hindi naman maganda boses ko.
HEHEHE. nakakatawa. *straight face*
Bukas ko na lang ipopost yung medyo masaya-saya hehehe. Nakakasira ng theme eh. :))