Kanina lang nakapagblog ako, ngayon eto short post lang bago ako magreview KUNO sa chem at sa CL. Wala lang ewan ko, nababagabag na ata ako mula sa kailaliman at kaibuturan ng kalooblooban ko (ano daw). Basta yun na yun!
Pagkaoffline ko kanina, nagsoundtrip ako sabay nakatulog. Akala nila nagreview ako, well guess again lol. Dapat nga di ako matutulog kasi maraming oras na naman ang masasayang ko, pero ewan ko. Pagkayakap ko dun sa unan ko nakatulog nalang ako agad. Tahimik pa man din ng paligid ko kanina, medyo malamig pa yung hangin. Sabay puyat pa ako. Bawi lang.
Syempre, pag nakatulog may panaginip.
Grabe yung panaginip ko, HINDI SIYA PARANG TOTOO, kasi totoo talaga. What I dreamed about ay yung nangyari mismo kanina. Parang nagbalik lang lahat, iba lang talaga yung scenes and dialogues haha. Pati yung sa pagkalugmok ko hanggang pauwi, hanggang sa pakikitungo ko sa mga tao sa school ng walang buhay kanina, ganun na ganun same persons din. Nagulat ako, kasi akala ko talaga totoo. Kaso ginising ako nung tita ko. haha.
Kaya eto, nagonline ako online review. Aagahan ko gising bukas, SANA! Aagahan ko pasok bukas, SANA!
** Masaya na ako, sabi ko na itutulog ko lang to eh. Okay lang lahat ng nangyari, siguro nakakashock lang sa umpisa, pero I've learned. *naks* Pero ewan ko, di naman ako natakot di naman masama loob ko sa teacher o kay classmate, di naman ako galit, di naman ako nawalan ng pag-asa. Ano lang, initial reaction siguro ung malulungkot pero nadisappoint kasi ako sa sarili ko. kasi nahuli ako. Kidding! haha.
Well then, goodnight. I have to study for Chem and CL (kakanosebleed pareho) pa. Wish me luck. Magpapasko pa naman! Ay ay, bukas pala. Pinakahihintay na araw ni Alissa. Advanced greetings ♥
Labels: pahabol post