
Ang bigat bigat ng loob ko. Pakiramdam ko pasan ko lahat ng classmates ko sa likod. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat, oo alam kong dahil dun. Pero, hindi eh. Ewan ko. Di ako makahingang ewan. Sama na tuloy ng pakiramdam ko inside and out. Di ko magawang ngumiti kahit na lahat ng mga bagay o pangyayari na nakakapagpangiti sakin ay sabay sabay nagaappear, walang effect. Kahit na nag ilove you na si Dexter kay Ina, kahit na may natisod sa room kanina, kahit na nakakatawa itsura ni Gelo kanina, kahit na ano.. :|
Kahapon, ang tagal ko na namang nag-online kasi nagedit ako ng pictures. Sabi ko mag-aaral ako pagkatapos. Nagtyaga ako magbasa ng 20 boring chapters ng Noli, hindi ako natapos kahapon kaya nagpagising ako ng 3:30am. Eh nakatulog ako, 11:30pm na. Pakibilang na lang kung ilang hours lang ako nakapikit. Pagkagising ko kaninang umaga, derecho basa ng Noli at yung notes ko. Di ko masyado naitanim sa utak ko kasi antok na antok pa ako as in sobra, pero sabi ko kailangan ko bumawi this quarter.
Maaga ako nagbihis, kumain at nag-ayos pero medyo di kaagahan naman ako nakapasok. Ang saya-saya ko pa kanina. Umagang-umaga pa lang kasi napatawa na ako ng sobrang lakas ni reinier dahil dun sa "ikatlong nobelang isusulat sana ni Rizal". Sabi ko pa nun, ang aga-aga ang saya-saya ko na. Sabay, sisingilin naman pala kasi ako pagkatapos.
Nakakainis na ang mga sumunod na pangyayari, una narealize ko na hindi ko pala naipasok ulit sa bag ung sci cal ko, which only means, I'M DEAD. Tawag kami sa office kaya ayun, nadala naman siya.
Pero eto, nagrereview pa kami bago mag-exam sa Noli, alala ko yung DIMASALANG nagawa pang DIMALASANG. Tapos meron pang laruan sila Allan na nakakatuwa, nakaka-amaze! Lalo na nung may tinamaan sa mukha.
Excited ako nung kinuha ko yung test paper sa Noli, feel ko kasi makakasagot ako. Pero feeling lang pala yun at nagkakamali ako sa feeling na yun. Nahirapan ako multiple choice pa lang. May mga sitsiritsit pa sa tabi ko. Alam n'yo na yun, walang laglagan.
Sabay..It all happened unexpectedly.
"Miss, magtatanong lang po ako kay Sir Jonathan." mga unang katagang sinabi ko, at nauwi sa "I'm sorry, I won't do it again."
Basta yun na yun. Hanggang ngayon, lugmok pa rin ung mukha ko, di ko alam kung bakit. Pakiramdam ko talaga ang LAKI LAKI LAKI LAKI LAKI LAKI ng kasalanan ko. Hindi lang sa mga teachers, pati sa parents ko, sa lolo't lola ko na proud na proud saken, kay reinier, sa sarili ko.. sa lahat. Parang ganun. Sobrang nakakaguilty na ewan. Gusto ko umiyak, pero ewan ko. umuurong yung luha at lalamunan ko eh.
Naiinis ako na naiiyak, lalo na nung pinipilit ni Reinier na siya lang. Nakakainis parang inaako lahat, sinisisi sa sarili lahat tapos iiyak iyak, magsususuntok sa CR, tapos magdadrama. Ayoko sa lahat kasi yung sinisisi sarili, nakakaasar. Ano ba yan, ewan ko. Kaya ako nakasimangot buong araw dahil dito! Hindi dahil napahiya ako or what, tanggap ko naman eh. It's my fault talaga pero nakasimangot ako dahil sa inaasal niya. Kanina pa ako isip ng isip, ano ba gagawin ko? ano dapat kong sabihin? magsosorry ba ako? luluhod ba ako? iiyak din ba ako? sasampalin ko ba siya o makikisuntok ako sa CR nila?
Ayoko ng ganitong situation. Una, dahil natatakot ako na baka malaman ni Mama. Pangalawa, di na ako umaasa na I'll graduate with flying colors pero kahit papano gusto ko clean records. Pangatlo, kaya ko naman talaga eh. Tignan niyo nga nakakasmile ako kahit fake, nakakapagjoke pa ako kahit corny, nakakapagblog pa ako kahit may exam bukas.. ayoko lang ng may kasama akong weak!! Pakiramdam ko weak na rin ako. Yun lang yun.
Nakapasok nga ako sa ganitong situation, shempre kaya kong makaalis in a way na tama na yung gagawin ko next time. Di ako pessismistic, kaya ko pa naman. This isn't the worst thing that could happen kaya better LEARN from my mistakes instead of being so selfish dyan. Kagaya pa rin ng dati, pareho lang ang flow. Ang nag-iba lang, may bagong experience, bagong challenge at bagong secret na kailangan ko na naman itago. Siguro nga may record na ako, so what? Record lang yun, papel lang yun, ang mahalaga di naman nawawala yung mana kasama ko.
LAST TIME I'LL SAY THIS NA TALAGA.
I'll do my best not to cheat and to not let others cheat this time, 'cause if I do, I'll be the first one to make myself suffer.
