Nagpapatong-patong yung iniisip ko. Gandang xmas gift ah? Di ko na ata keri, nilalagnat ako sa loob. Iniligo ko nalang kaya hindi natuloy yung sakit ko. Di ako makagalaw ng maayos, di makapag-isip ng maayos at di ako makahinga. Mouth-to-mouth ako ni Rocky yung pitbull, ay di rin pwede, may sakit din pala siya. :(
Bukod sa pagkakasakit ni Rocky, may mga pinoproblema pa rin talaga ako. SOBRA. Kagabi lang siguro talaga sumabog lahat. Parang nagtatambak ka ng dirty clothes tapos di ka naglaba ng one month, kaya ayun tambak na hanggang bumagsak na ung bundok ng dirty clothes sa mukha mo.
May mga tao ako na inaasahan sana na makinig sakin, si Mary, Cza at Ina. Si Mary, gustung-gusto ko kausapin pero wala kaming means of communication dahil wala yung phone nila. Si Cza, pagkaPM ko nag-out problemado din ata. Si ina.. si ina ... :((
Ina, sana andito ka. sana hindi ka pinagalitan sana pwede ka magteks sana pwede kita tawagan sana pwede kita kausapin sana pwede tayo magkita sana pwede ka punta dito sana magkasama pa rin tayo sana nakikita ko pa rin yung ngiti mo sana masasabi ko sau lahat ng kailangan ko sabihin sana pwede kita icomfort sana ako din sana sana.. sana pala mas maraming beses tayo naghug kahapon. KUNG ALAM KO LANG na sobrang lugmok tayo ngayon.
Sobra na ata karma na inaabot ko, grabe ba talaga mga ginawa ko? Ewan ko ba. :| Di na ako makahinga. Gusto ko magsorry ng magsorry. :|
Confused ako, sobra. Gusto ko na sabihin LAHAT. as in LAHAT LAHAT LAHAT para wala akong problema para nalabas ko na! parang tae, di ba? pero nahihirapan ako. Di ko alam kung paano, di ko alam kung ano mangyayari sunod nun. Kung sasabihin ko palang mahirap na pano kapag nasabi ko na? Ewan. Basta pakiramdam ko ang bigat. Sana nga lagnatin na lang ako.
I'm sorry, di ko na rin kaya magtype.
Labels: damn it