Yey after years nakapagpost din ako. *exaggerated much* kasi yung monitor namin epal! :)) hahaha. Pero ayun mabaet siya ngaun at maayos siya. :P 4-7 na ata ako dun sa plants vs. zombies. Ang hirap na. :| Nakakainis ung fog :)) Pero ayun okay lang ang saya. :) Di ko na nga napansin sa chat si Ina. SORRY INA.
Nakakapagod, finally tapos na ren yung exams namin. Whew, di ako umaasa na magiging mataas ang mga grades ko. Masyado ata akong nagfocus sa bakasyon o dili kaya'y masyadong nagmamahigpit lang ang magkabalens na si sir Rubs saka sir Jobs. Over over.
Over teh, grabe talaga yung sa Chem at Geom. Yung sa geom tinatawanan ko lang eh. Yung sa Chem sobrang pressured ako. Paano kasi multiple choice pa lang parang problem solving na. nakakainis talaga hindi ko natapos. It's like hell on earth. :( Yung problem solving ang hihirap pa! Kaasar. Pressure. Tapos ang konti konti ng oras! 2hours na pero ang dami kasi masyado eh. :| Oh well, muntik ko na talagang iyakan yun. Pero narealize ko, NAH.
Nung natapos na yung exams nung thursday, ang saya namin. Ewan ko sa kanila ah, pero ako masaya ako :) YAHOO yung feeling over over. At least di ba wala na masyadong aalahanin and everything.. Yung bwiset na book report at script na lang :)) Sabay practice2 na lang :]
Speaking nga pala sa title ko, may naalala pa akong nakakaano. Nakakaano! di ko maexpress yung feeling. Di ko alam kung natatawa ako o naasar eh. Pati ba naman kasi yung theme song ng plants vs zombies ay ginawan ng "remix" nila Brian at Reinier eh. Ewan ko ba! Di na sila nagsawa, I mean.. Halos lahat ata ng kanta na kinakanta sa school eh meron na silang sariling version na ako yung bida dun. At take note, di lang siya basta basta kanta. Nagulat ako, ang dami na pala nilang nagawang kanta sakin. Kala ko yung sa You belong with me lang! Yun pala meron pa kay Manny Villar, dun sa batungbakal ba yun? :)) Yan sa plants vs zombies ... Basta ang dami. over teh!
Haha anyway, nakakaloka si Reinier may potential na maging hairstylist. Na-pony tail niya yung hair ko :)) Over teh! Ako nga di marunong magpony tail eeh.:)) Hahaha! May future! :> ALAM NA.
After school, mary went to our house pa. Wala lang ilang oras na kwentuhan at kainan. Nakakatawa si Mary. Basta may time dun na tawa siya ng tawa sakin kaya ayun nauntog. KARMA :))
Nakakatuwa pala no ung may kakwentuhan ng mga petty things. :) Tapos tawa lang kami ng tawa muntanga lang as usual. XD
Tapos may sinasabi pa sakin si Mary. Nakakaano. NakakaWHAT THE F.
"Gumising ka, open your eyes baka ginagamit ka lang."
Talkshit si Mary di ako sinamahan sa Makati. Oh well, kami na lang ni Papa saka ni Kuya nagpunta. Walang problema. Hahaha.
I bought a dress na for JS. Di na bongga, one time lang eh. Saka naisip ko, after I use it maibibigay ko pa kay Mama. haha kasi di ko na ren naman gagamitin. Yun na gift ko.:)) Ayaw niya nun, nagamit ko. Para cool . ♥
Ang haba ng biyahe, nahilo ako kaya nakatulog ako papunta. :D Tas ayun andun na kami sa Makati Shangri La.
Nakakatawa si papa kasi kung saan saan napupunta :)) Dun pa siya papasok sa nakasaradong pinto na nakalagay NO ENTRY. :)) Tapos nung pauwi naman, dun sa kanan pupunta eh dun nga sa kaliwa yung car namin. Tapos yung mukha niya parang confused look. NAKAKATAWA. :))
Naikot na namin ang Landmark, glorietta at SM. Over teh, kapag nakita mo ang kahindik hindik na kalagayan ng paa ko. :| Nakaheels pa man din eh. nakakatuwa lang kasi ang dami kong sinukat, as in ang dami. Ilang gown yun pero nauwi lang din sa dress. hahah! over. :D
Yung mga saleslady puro.. "Ifit niyo ma'am." "eto ma'am bagay sa inyo." Puro ganun :)) Kaya ang dami ko ng sinuot. AKALA NILA KUYA NAWALA NA AKO. Nagpapanic pa sila kasi wala akong phone tapos di naman namin alam yung lugar na yun. Di nila alam nagfifit lang ako ng gown. :)) Nu kaya yun.
TAPOS! Si kuya yung katawagan niya na si Joanne *yey credits to joanne dahil sa kanya nakakita kami ng mga stores :P* HS classmate niya yun. Tumawag si kuya ulit kay Joanne sabi ba naman, "UY NAWAWALA UTOL KO HANAPIN MO!" kung di ba naman lasing yung kapatid ko eh nuh? Sabay yung tatay ko nung nakita ko problemado na yung mukha eh. DEPRESSED.:))
Tapos ayun, kumain kami. Mga baboy na daw kami kumain sabi ni Kuya. *siya yung pinakababoy kumain* IMBA tatlong rice sa kanya. :| Sa payat niyang yun? Nung pauwi na, nagstarbucks pa kami. TAE libre ko pa :)) 200 din ginastos ko, siya 70 lang =)))
INALOK NI KUYA SI PAPA NA MAKI-SIP DUN SA CARAMEL FRAPPE NIYA, AAYAW AYAW PA SI PAPA. SABI DI DAW SIYA NAKAIN NUN. PERO SA HULI DAHIL IRRESISTIBLE YUN, AYUN KUKUNIN NA NI PAPA YUN SA KAMAY NI KUYA EH KASO NUNG KUKUNIN NIYA BIGLANG BUMUKAS NA YUNG ELEVATOR. NAUDLOT PA =)))))))
tapos meron pa pala, nung nagsusukat ako ng gowns.. Nagtry ako kung bagay ba kung may shawl. Eh kaso hindi, kaya pinabalik ko dun sa saleslady. Eh si papa biglang sinukat yung shawl. :)) Grabe over over nagpopose pose pa eh. :)))))))))))
So ayun, wala na akong problema sa JS. Shoes na lang saka yung ayos ko teh. Haha. :) Simple lang okay na kasi nasa nagdadala . HAHAH. :)
Ayun, gagawa pa pala ako ng book report saka ng script pero mamaya na yun. :P
Napaisip ako dun sa sinabi niya, pano nga kung ganun tapos ako naman nagpapadala lang? Tsss.
Labels: dress, exams, js, makati, pasyal, project, school, starbucks